"Magandang hapon po, Nay Fe!" Nakangiting bati ni Nel sa kaibigan naming na isa sa nagbabantay ng canteen.
Sinuklian iyon ni Nanay Fe ng isang magandang ngiti. Kinawayan rin ako ni Nay Fe bago inabot kay Nel ang tatlong served ng siopao na sigurado akong naka-reserved na para sa amin. Dinagdagan niya rin iyon ng dalawang bote na tubig.
Napailing agad ako kasi alam ko na kinuntsaba na naman ni Nel si Nanay Fe.
Paminsan-minsan kasi, nagkaka-ubusan ng siopao sa canteen lalo na kapag dapit-hapon na. Nakaka-guilty tuwing naabutan kong panghuling serve na ng siopao ang kukunin namin kasi alam kong ni-reserved na iyon. Kawawa naman yung mga na-unang estudyante na pumunta sa canteen at gustong kumain ng siopao pero tinanggihan kasi sa amin na iyon.
"'Di ba sinabi ko naman sayo na huwag na magpa-reserved ng siopao," mahinang asik ko kay Nel ng nakahanap na kami ng mau-upuan sa loob ng canteen.
"Hindi ko naman yun ni-reserved. Last na talaga yung tatlo. Swerte tayo ngayon kasi 'di pa ubos yung paborito natin."
"Talaga?" panigurado ko, "mabilaokan man?"
"Promise," natatawang sabi niya, "kahit mabilaokan ng siopao."
Nagtawanan kami sa sinabi niya at sabay kinain ang meryenda habang hinihintay ang paglipas ng oras para sa susunod naming klase.
Dahil magaan kasama si Nel, hindi naglaon naging magkaibigan kami.
Palagi niya akong ipinagtanggol sa mga taong uma-api sa akin. Tinutulungan tuwing nahihirapan at laging nasa tabi ko.
Ang mga kwentuhan, biruan, at tawanan ay naging nakasanayan na namin.
Tuwing uwian naman, naghihintayan kami at sabay lalabas ng gate. Dependi na lang kung sino ang na-unang natapos ang klase.
Habang tumatagal, mas lalo lang akong inaasar ni kuya, walang palya tuwing siya ang susundo sa akin. Ang ayaw ko lang ay baka marinig ni Nel ang kantsyaw ni kuya sa amin. Baka ano pang marinig at isipin niya.