01 'Litrato'

12 4 3
                                    


Chapter 1: Litrato


Friday, 6:26 a.m.

(March 6, 2002)

Maaga akong nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog. Eh kasi naman tong si Daddy tumawag sakin kaya ayun nagring yung phone ko at dahil sa sobrang ingay yun, nagising ako. Bakit naman kasi ngayon pa siya nagpatawag ng meeting kung kalian naman ako nageenjoy sa pagtulog ko. Kakatapos lang ng semester naming and I'm taking my vacation pero sad to say sa Bohol kami magbabakasyon. I hate that place I don't know why but I really hate it. Siguro dahil masiyado akong mapili, maarte, mataray, at walang galang na babae.


Kung dun man kami magbabakasyon ngayon then this is the first time na makakapunta ako dun. Siguro tong meeting na to ay dahil diyan sa mangyayaring baksyon namin.


Agad akong nagayos ng sarili at pumunta sa Dining room. I saw mom and dad, they are all busy using their phones, loptop as always.


"Xandra!" sigaw ni kuya sabay takbo at gulo ng buhok ko. "You woke up earlier ha, I can't believe it".


"Stupid, why did you do that? Don't do it again, you stupid!" inis na sagot ko kay kuya.


"Lucas....Xandra, me and your dad are planning to have a vacation in Bohol" di pa kami ni kuya nakakaupo ng sabihin ni mommy yun.


"So?", sagot ni kuya habang ako ay walang imik na kumakain.


"Napag isip isip din namin ng mommy niyo na we will stay there for the whole vacation", sagot ni daddy.


"No, we can't stay there that long, how about my friends? I think hahanapin nila ako", sagot na ko kay daddy. Hindi kasi pwede yung sinasabi nila na we will stay there for the whole vacation. Paano ko makakasama mga kaibigan ko, pano namin maeenjoy ang bakasyon?


"Hija, don't mind them, if they are really a good friends then they'll understand you", malumanay na sabi ni mommy.


I just rolled my eyes and continue eating. Ano ba kasing naiisip nila at dun pa talaga sa lugar na yun eh wala naman kaming kamag anak dun even mga kakilala, kahit isa wala! Ugh, this is do frustrating!


After ko kumain ay nagpunta agad ako sa room ko at nag internet. Naiinis parin ako kina mommy, kasi yesterday I suggested na sana sa Lucena nalang, kahit mas malayo eh I have a lot of friends naman there, at di naman kalayuan. Last Vacation kasi eh dun kami nanggaling at naenjoy ko talaga ng sobra ang days na nandun ako. So, bakit kailangang sa iba pa? It's much better if dun nalang uli, right?


Krrrrrnnngg


Nagulat ako sa pagring ng cellphone ko. "Unknown number" ang caller, sino kaya to.


[Hi, did you miss me?] paunang bungad ng caller.


The Person I Love MostWhere stories live. Discover now