Chapter 5: 1997
Thursday, 7 : 16 a.m.
Dalawang araw na ang nakaraan pero ganun parin sa una, maaga parin akong nagigising. Kanina pa ako nakatunga-nga dito sa bintana. Pero di rin naman ako nabo bore ng kaunti kasi kahit paano ay nalilibang naman ang mata ko. Malaki ang Mansion na to, ang paligid ay nababalot ng mga tanim, puno at halaman.
Sa bandang likod naman ay parang forest na, ang nakakaagaw lang ng pansin ay ang malaking puno ng mangga dito. Kitang kita sa puno ang pagkamatanda niya, siguro ang sarap sa pakiramdam na pumunta sa ilalalim ng mga sanga nito.
"AHHH! Yaya Linda!.....oucchhh.......", tawag ko kay yaya Linda ng biglang sumakit at kumirot ang ulo ko.
Nanlalabo ang mata ko at may nagfa-flashbak uli sa isip ko. Ano to? bakit may ganito akong naaalala? meron akong nakikitang tao. Isang lalaki at babae....magkakasama uli kami?
~FLASHBACK~
(May 27, 1997)
~Nasa may puno kami ng malaking manga nina Nimfa at Aikel. Close na close na kami kasi since elementary ay magkakakilala na kami, hanggang ngayong maghigh school kami. Isang taon lang ang agwat nina Isied at Nimfa sa edad ko.
"Xandra, ano na daw sabi ni Tita Lou?", tanong ni Nimfa sa akin habang nagayos ng sapin na paguupuan namin dahil magpipicnic kami.
"Ahmmm......", sagot ko kay Nimfa ng di pa sigurado at malungkot ang mukha.
"Ano daw sabi Yam?", tanong din ni Aikel sa akin. Napangiwi ako at nagpahalumbaba.
"Pinayagan na nila ako....ahmm...pero kasi...but they want Yaya Linda at Manong Edgar to be with me", disappointed na sagot ko sa kanila.
"Huhh??, bakit daw? eh para namang mapapahamak ka sa amin ahh, yan nalang nga sana ang magiging trip natin na tayo tayo lang at makakapagovernight pero masisira pa", malungkot na sagot ni Nimfa sa akin. Napanguso ako.
"How about Tito Ecito? what did he say?", tanong uli ni Aikel. Lalo akong napanguso at napayuko.
"Huh?...uhmmm.... same with my mom", lumoy na sagot ko. Alam kong gusto nila na kami lang tatlo. Pero ano magagawa ko? My parents was too protective...
"Ano bayan, you're always with your yaya and manong Edgar, para ka tuloy isang 5 years old na batang binabantayan", inis na sabi ni Nimfa. Napapadyak pa siya.
"Hello? I'm 13 years old already!", sagot ko kay Nimfa. Ayoko kasi na ginagawa pa akong bata, like mom and dad also kuya. They always calling me baby! Urh! I'm not a baby, for heaven sake!
"Hahahahaha, alagang alaga talaga yan ni tita at tito", tawang tawa na sagot ni Aikel. Napahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa. I pouted to him.
YOU ARE READING
The Person I Love Most
Teen FictionSa mahabang panahon, nagpatuloy ang buhay ko na hindi namulat sa nakaraan. Sa nakaraan ko na sobrang napakahalaga sa akin. Yung napaka-memorable. Yung nakaraan mo na nalimutan mo sa isang saglit. Yung ala-ala mo na sobrang naging mahalaga sa iyo. Ng...