Chapter 8: 'Love and Hate'
Nakaupo ako ngayon sa isang swing dito sa park. Unti unti ko nanaman na-aalala ang nakaraan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, napangiti ako.
~FLASHBACK~
"U-uhmm....Xa-xandra?", tawag sa akin ng isang bata. Agad akong napalingon sa kaniya.
Umiiyak ako kasi hindi ako isinama nina mommy and daddy sa work nila. I really want to see them working. At saka, wala naman akong kasama sa bahay. Si kuya kasi lagging nakatambay sa room niya, playing his video games. Nabobored ako kaya nagpasama ako kay manong Edgar to go here. Nasa swing ako nakaupo.
"Ho-how 'sniff' did you k-know 'sniff' my name?", he know my name! But how did he know me? He's not familiar and I didn't even know him.
"Can...c-can I sit beside y-you?", nahihiya niyang sinabi. Napatitig ako sa kaniya. Magkasing edad naman siguro kami. Mabuti naman ata siyang tao. Hindi niya naman ako kikidnapin, right?
"O-okay", saka ko ibinalik ang tingin sa isang surbetero. Marami ang bumibili sa kaniyang bata.
"Why are you crying?", napapitlag ako sa bigla niyang pagtatanong. Nilingon ko siya saka ako suminghot.
"No-nothing", tanging na isagot ko. Nagulat ako sa biglaan niyang pagngiti. Bakit siya ngumingiti? What is his problem?
"Stop crying na, ok? You'll look like an ugly witch if you continue crying, sige ka", nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Is that for real? Totoo ba iyon?
"I-I don't believe you!", I frowned. He chuckled. Idinuyan niya ang swing katabi ng sakin.
"Really? Then why did you wiped your tears then?", natatawa niya ng sinabi. Nainis ako dahil doon. I rolled my eyes at him. How dared him!
"Be-because...I'm done crying!", inis na sigaw ko sa kaniya. Itinigil niya ang swing at saka ako nangingiting tinignan.
"Ok, by the way, my name is Aikel", sabay lahad niya ng kaniyang kamay. Napasinghot ko iyong tinignan. Ilang sandal pa bago ko ito tanggapin.
"I-I'm Xa-xandra 'sniff'", pakilala ko. Nagshake hands kami. Maya maya lang ay binawi ko na ang kamay ko. Tumayo siya at pinagpagan ang coat niya. Walang reaksyon ko siyang tinignan. Humarap siya sa akin saka naglahad muli ng kamay. Nangunot ang noo ko.
"Let's go? Let's buy ice cream?", nagliwanag ang mukha ko. Kanina ko pa gusting bumili kaso nahihiya ako. Yung mga bata kasi may kasamang parents while me just alone.
"Come on, Xandra", hinigit niya na ang kamay ko. Napilitan akong tumayo. Nawawala narin ang paghikbi ko at tumigil na ako sa pagiyak.
Bumili kami ng ice cream at saka masayang nagkwentuhan. Doon ko nalaman na mas matanda siya sa akin ng isang taon—
" Friends?", inilahad niya ang kamay niya sa akin at hinihintay na sumagot ako sa tanong niya at tanggapin ng buo ang kamay niya.
Nakangiti ko itong tinanggap. Hindi na ako magdadalawang isip pa. He's kind. Siya ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon. So why not, right?
"Friends", malaki ang ngiti na sagot ko. He smiled at me sweetly. I can't help but to stare at his beautiful face.
He's perfectly handsome. Hindi na ako magtataka kung malaman ko na marami ang admirers niya. Kahit ang bata niya pa, nakaka attract na yung presence niya. Ano pa kaya kapag tumanda na siya? Ganito pa kaya kami?
—Ako ay pitong taon palang samantalang eight years old na daw siya. Naging magkalaro kami ng araw na iyon at talagang tuwang tuwa ako.
Ito ang ibang araw na nakilala ko siya. Though, he said, matagal niya na daw akong kilala. Kinukwento daw ako ng mommy niya sa kaniya.
~END OF FLASBACK~
Hindi ko na napigilang maluha sa ala-alang iyon. Simula kasi nang nakilala ko siya, hindi na ako laging mag-isa.
Siya na ang lagi kong kasama. Walang mga araw na hindi kami nagkikita. Hanggang sa magtapat siya sa akin.
Naramdaman ko ang unti unting pamumuo ng bukol sa aking lalamunan. Mahihikbi na ako, yun ang alam ko.
Pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. Suminghap pa ako at saka ngumiti ng mapakla.
Itinulak ko ang sarili ko sa swing na inuupuan ko. Naka-kapit ako ng mahigpit dito.
Ramdam ko ang lamig at sariwang hangin na aking nalalanghap at dumadampi sa balat ko. I can't help but to smile and enjoy this time though I'm hurt.
Ilang sandali pa ang lumipas. Nagpalinga linga ako sa paligid. Why is he taking so long? Pupunta ba siya? Bakit ang tagal naman?
"Xandra"
Akmang tatayo na ako ng biglang may nagbanggit ng aking pangalan. I froze. Hindi ako makagalaw.
Nagtaasan ang lahat ng balahibo na meron ako. Ilang beses pa akong nalulunok habang unti unti na bumabaling sa likod.
And finally, kaharap ko na siya. Seryuso ang mukha niyang nakatingin lang sa kabuuan ng mukha ko.
Pero hindi siya ang inaasahan kong na rito. Hindi siya ang gusto kong makita. Hindi siya ang dapat nasa harap ko.
What is he doing here? How did he found me? Why is he here standing in front of me, instead of the person I expected to come? Bakit parang bigla akong nanlumo?
I'm almost half an hour waiting for him. Pero sa gitna ng paghihintay ko, bakit hindi siya ang nasa harap ko? Bakit ang taong ayaw kong makita ang na rito, kaharap ko?
"A....Alex?", nabitawan ko ang shoulder bag na mahigpit na kahit ko. Unti unti akong napa-atras palikod.
Galit na galit ako sa kaniya. Gusto ko siyang bugbugin at pahirapan sa harap ko. Gusto kong isumbat lahat ng sakit at panlolokong ginawa niya. Gusto ko siyang ibaon sa lupang kinalalagyan niya ngayon.
Pero bakit parang hindi ko magawa? Bakit parang hindi ko siya kayang saktan? Bakit parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit instead of hurting him badly? Bakit parang umuurong ang dila ko ngayon sa harap niya?
" Xandra, Sorry. Sorry for everything I did. I made my mistake. Sorry because I badly hurt you so much. Sorry, Xandra, please forgive me", humakbang siya palapit sa akin. Ramdam ko ang sincerity sa kaniyang boses while apologizing to me.
But, can I forgive him? Should I forgive? Should I give him second chance? Should I accept him again?
Or, should I ignore him? Should I use this chance to hurt him back? Should I hurt him badly? Is that the right thing to do?
Should I forgive him or not?
Cause deep in me, I know, I still have feelings for him.
It's between love and hate.—————
A/N:
Gosh, guys! Alex is back! And Xandra admitted that she still have feelings for him!
What should be the right thing to do? To accept him again, or to ignore him?
Hala, parang ang gulo na. Sino ba talaga ang gusto o mahal ni Xandra?
It should be Alex or Aikel?
What do you think guys?
YOU ARE READING
The Person I Love Most
Teen FictionSa mahabang panahon, nagpatuloy ang buhay ko na hindi namulat sa nakaraan. Sa nakaraan ko na sobrang napakahalaga sa akin. Yung napaka-memorable. Yung nakaraan mo na nalimutan mo sa isang saglit. Yung ala-ala mo na sobrang naging mahalaga sa iyo. Ng...