Chapter 7: Ang Katotohanan
Pagkarating ko sa Mansion ay agad akong sinalubong ni Ate Elsa. Dumiretso ako sa kusina kung saan nagdidinner sina mommy. Nakasunod naman sa akin si Ate Elsa. Hingal na hingal ako at naluluha na hinarap sila. Nang makita nila ang kalagayan ko ay agad nila akong tinanong, ngunit ako ang dapat magtanong.
"Mom, do I have been here before?", seryuso at malamig kong tanong.
Agad nagbago ang reaksyon nila. Nagkatinginan pa sila ni dad bago ako muling balingan. Tumayo siya at saka lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Agad ko itong hinawi. Nagulat siya sa ginawa ko pero agad ding nakarecover.
"What happen to you Xandra, are you hurt?", nanginginig na tanong ni mommy.
"Just answer the damn question mom! Do we live here before?" mataas na tono at iritadong tanong ko.
Hindi ko mapigilang mailabas ang inis ko. All this time! May mga nangyari pala sa akin na hindi ko man lang maalala! And they didn't even bother to tell me about it!? Bullshit!!
"Xandra, what are you talking about?", aligagang tanong ni mommy. I sarcastically laugh. What am I talking about? The hell!!
"I'am talking about my past, Mom! My long lost memories!", nagwala na talaga ako. Naiinis ako! Bakit hindi nalang nila sabihin? Bakit hindi nalang nila sagutin ang tanong ko? Why do they have to hide it from me!? For heaven sake! Akin lahat ng iyon, at dapat kahit isang maliit na detalye alam ko!
" May alam ba kayo na hindi ko alam?", maluha luha ko ng tanong. This time, mahinahaon na ako.
Tinignan nila ako. Mababakasan ang takot at pag-aalinlangan sa bawat ekspresyon ng mukha nila. Pati ang mga katulong namin ay hindi alam ang gagawin. Galit na galit akong nakatingin lang sa kanilang dalawa ni dad.
Alam mo yung feeling na pinagkaitan ka ng isang bagay? Yung bagay na pagmamay-ari mo ngunit ninakaw at hindi man lang ibinalik? Yung may mahalagang parte ng buhay mo na nawala? Yung hindi ka buo dahil may kulang?
"What now, mom..dad!? Magtitigan nalang ba tayo dito? Kasi ako? I really really want to know the f*cking truth! The hell with that question! Anong mahirap sa tanong na iyon? Mom...Dad? Please!", nagulat sila ng bigla kong hawiin ang vase na nasa tabi ko lamang. Ngayon ko lang naramdaman ang labis na galit tulad nito.
Napakinggan namin ang ingay na nagmumula sa taas. Ingay na nanggaling sa hagdan. I saw kuya weirdly staring at me. Nakakunot ang noo niya. Nakuha niya ang atensiyon nang lahat, pati ako. Nakita niya ang basag na vase na ngayo'y naka-kalat sa sahig.
Nilingon ko si mom nang bigla siyang humagulgol sa pagiyak. Napapikit ako at naitikom ko ng subra ang dalawa kong kamao. Nangigigil ako, parang gusto kong magwala ngayon.
"Xandra? What is going on here?" takang tanong niya habang nagpapalitan ng tingin kina mom, dad at sa akin.
YOU ARE READING
The Person I Love Most
Teen FictionSa mahabang panahon, nagpatuloy ang buhay ko na hindi namulat sa nakaraan. Sa nakaraan ko na sobrang napakahalaga sa akin. Yung napaka-memorable. Yung nakaraan mo na nalimutan mo sa isang saglit. Yung ala-ala mo na sobrang naging mahalaga sa iyo. Ng...