Chapter 3: Ang pagkikita
Sunday, 6:38 a.m
Nagising ako ng kusa dahil this will be the first time na magchu-church kami dito sa Bohol. Nagbath agad ako at nagbihis dress na maisusuot para sa church mamaya. So now, I'm wearing a strap floral dress matching with my black leather boots. Naglalagay ako ng light make-up nang biglang may kumatok sa pinto.
"Come in", sabi ko at bumukas ang pinto at nadatnan ko si yaya Linda.
"Ma'am pinapababa na po kayo ng daddy niyo, sabay na daw po kayong mag breakfast at didiretso na raw po kayo sa church", sabi ni yaya Linda.
Pagkatapos nun ay umalis na siya at sinarado ang pinto ko. Inayos ko yung gamit ko at bumaba na. Naka straight ang kulay itim kung buhok. May shoulder bag din ako kung saan doon ko nilagay ang mga gamit ko like phone, wallet and etc. Nakita ko sina mommy, daddy at kuya na kumakain, mukhang ako nalang yung iniintay nila ah. At obvious naman na ako nalang nga.
"There you are Xandra, kanina kappa namin hinihintay", sabi ni daddy sa akin.
"Aga ah", pang aasar ni kuya. Tinarayan ko lang siya at umupo na.
"Marami tayong makakasalamuha mamaya at makakausap, Lucas, Xandra I hope na magiging magalang kayo mamaya, ok", sabi ni mommy sa amin.
After namin kumain ay dumiretso na nga kami sa Church. Pagpasok palang namin madami na agad ang nag-greet kina mommy. Nagtataka lang ako kasi mukhang familiar sa akin tong lugar nato, parang nakarating na ako dito before. Habang humahanap ng upuan ay may tumawag sa akin.
"Xandra!"
Agad akong napalingon at isang babae ang nakita ko. Kung hindi ako nagkakamali parehas kami ng height, maputi, mahaba ang buhok at nakasuot siya ng pulang bistida. Ang ganda niya ha, in fairness bet ko.
Lumapit siya sa akin at halata sa mukha niya ang saya at may halong gulat. Tinaas ko nalang ang kilay ko at napakunot ang noo nang akbayan niya ako. Agad akong nagpumiglas at lumayo sa kaniya. Sino ba siya para gawin sa akin yun eh di naman kami magkakilala?
Who is she? Yan ang pumasok na kaunaunahang tanong ng makita ko siya. She looks like she know me much, while me? Ito nganga, what do you expect? Hindi ko naman talaga siya kilala ah.
"Don't you dare touch me again, who do you think you are, huh?", iritadong na sabi at tanong ko sa kaniya.
Sinong hindi maiinis? Eh, first, I didn't know her. Second, nagulo ang ayos ko because of what she did. Third, she acted like we know each other and we're close which is not.
"Wow Xandra! It's me, Nimfa...4 years kalang nawala dito kinalimutan mo--", di pa siya natatapos magsalita ng tabunan ng isang lalaki ang bibig niya.
YOU ARE READING
The Person I Love Most
Novela JuvenilSa mahabang panahon, nagpatuloy ang buhay ko na hindi namulat sa nakaraan. Sa nakaraan ko na sobrang napakahalaga sa akin. Yung napaka-memorable. Yung nakaraan mo na nalimutan mo sa isang saglit. Yung ala-ala mo na sobrang naging mahalaga sa iyo. Ng...