Paano nga ba????

34 1 0
                                    


Ka'y gandang araw, ka'y gandang pagmasdan, huwag mo sanang sayangin ang mga araw na dapat mo pa sanang matanaw.
- Elija Zakura Beniz Jimenez
         

Yan ang katagang aking pinanghahawakan sa bawat araw na nag daraan.
Ngunit paano ko pa nga ba panghahawakan ang katagang iyan, kung maraming katanungan ang bumabalot sa aking isipan at tumututol na hindi ko na dapat ito panghawakan.

Tulad na lamang ng.........

Paano nga ba ako mag sisimula????
Paano nga ba ako magiging masaya muli????
Paano ko nga ba malalagpasan ang lahat ng aking problema?????
...................... at marami pang iba.


Sa lahat ng katanungan na paano sa aking buhay, paano ko nga ba makakayanan??? Ano nga ba ang magiging kasagutan???
Ka'y hirap harapin, ka'y hirap tapusin.
Dumating na sa punto na ako ay nang hina, hindi ko na mawari kung ano nga ba ang dapat kong gawin, ngunit nanaig pa rin sa akin ang paninindigan na malalagpasan ko rin ang lahat ng ito. Na balang araw, aahon din ako sa sandamakmak na problemang pinag daanan ko, makakamit ko rin ang totoong kaligayan at pangmatagalan na hanggad ko. Na balang araw magiging totoo na rin ang nakaguhit na ngiti at saya sa aking labi na kaylan man ay hindi na mapapawi.

Tandaan:
Walang buhay kung walang problema. Dahil ang problema ang dahilan kung bakit tayo natututo, tumatapang at lumalaban.
Ito rin ang nagtuturo sa atin para makita ang ating tunay na kahalagahan.

Inyong basahin at kilalanin ang kwento ng aking buhay, kung paano ako lumaban sa pagsubok upang magging matatag.

  ...............................................................

Paano nga ba?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon