Paano nga ba pinatunayan????Tinupad nya ng ang sinabi nya. Araw-araw nya akong sinusundo.
Hindi lang yun, siya pa ang may dala lagi ng bag ko at bukod pa roon tuwing biyernes at lagi syang may binibigay sa aking marshmallow,
na kwento ko kasi sa kanya na paborito ko yun eh. Kaya ito sya binibilhan ako. Sweettt..... pero sayang pera nya, di naman ako makatanggi kasi lagi nyang pinipilit ibigay sa akin.Pero hindi naman kailngan ng kung ano-anong ibigay nya sa akin dahil effort pa lang nya sapat na sa akin na makita kong seryoso sya at mahal nya ako.
Lumipas nga ang walong buwan, na walang mintis na hatid sundo nya ako at sobrang pursigido nya sa panliligaw sakin.
Tanggap naman sya ng mga kaibigan ko, pinakilala nya na rin ako sa pamilya nya, kaso nga lang hindi pa ako handa para ipakilala sya sa magulang ko.
Sa tagal ng panliligaw nya sakin, feeling ko.... deserve nya naman na magkaroon kami ng label. Ramdam ko naman kung gaano nya talaga ako kamahal eh at naniniwala akong hindi nya ko iiwan.
"Minsan sa buhay walang kasiguraduhan, dahil nabubuhay tayo sa mga baka sa kali. Kaya dapat handa kang sumugal, kung gusto mong maging masaya at walang pangamba sa kung ano ang magiging resulta ng iyong desisyon."
Maaga ang uwian namin ngayon, general cleaning kasi, at naisipan ko na dalhin si Marko sa espesyal na lugar sa buhay ko. Sa sementeryo. Dito kasi nakalibing ang puntod ng mga pamilya kong namaalam. Ang totoo kong pamilya. Hindi ko pa pala na kwento na hindi ko totoong magulang ang kasama ko sa bahay. Mga tito at tita ko sila, at sila ang tumayo bilang magulang ko simula ng namatay ang aking totoong mga magulang kasama ang aking nakababatang kapatid.
"Marko pwedeng samahan mo muna ako. Uhmmmm...... may dadaanan muna tayo bago umuwi."
"Sige ba, ok lang naman. Maaga pa naman." Nakangiti nyang sambit.
Wala syang ka ideya na ito na ang huling araw ng pangliligaw nya sa akin at sya ay aking sasagutin na.
Naglakad kaming dalawa papuntang Angel cementery, malapit lang naman mga 3 kanto lang ang layo.
"Marko, ilang buwan ka na nga palang nanliligaw?"
"Uhmmm....8 months. Bakit mo natanong?" Sabay kunot ng noo nya.
"Wala naman. Tagal na rin pala."
Nakarating na nga kami sa puntod ng pamilya ko."Ehmmm..... hi momshi, hi papshi, hi loshki, hi lashki." paunang bati ko sa kanila. "Miss ko na kayo, sana nandito kayo para gabayan ako, at payuhan. Namiss ko na yung mga araw na kasama ko kayo. Nakikipag kulitan at namimiss ko rin yung sermon nyo sakin tuwing pasaway ako. Nga pala, momshie, papshie,loshkie at lashkie, hindi ako nag iisa ngayon. May kasama na ako, sya na dahilan kung bakit nakakangiti na rin ako ngayon sa wakas, alam nyo ba na sya rin ang laging nasasandalan ko tuwing nanghihina ako, kaylan man hindi nya ako iniwan at panatag ang loob ko sa kanya, sana magustuhan nyo rin sya para sakin."na pahinto ako dahil sa pagpatak ng mga luha ko, miss ko na talaga sila.
"Ito nga pala si Marko, manliligaw ko. Alam nyo ba walong buwan na nya akong nililigawan. Sabi nya mahal nya ko, at ganun din naman ako sa kanya. Hindi ko pa nga lang sya naipakikilala kila mommy at daddy, alam nyo naman ang higpit nila diba. Pero ipapakilala ko na sya susunod naghahanap lang ako ng tamang tiyempo."
Pagkatapos ko magsalita, natahimik ang paligid, pagkalipas ng dalawang minuto na dapat ay magsasalita na ulit ako, nagulat ako at may ibang tao na nagsalita."Hello po sa inyong lahat, sa wakas may nakilala na rin akong mahalaga kay Eli. Sana po ay magustuhan nyo ako para sa kanya. Pangako po mamahalin ko sya ng buong buo, at hindi ko po sya hahayaan na masaktan o umiyak ng dahil sa akin." Sabay yakap nya sakin mula sa likod.
BINABASA MO ANG
Paano nga ba?????
Любовные романыIto yung unang libro na aking isinulat, sana lamang ay inyong magustuhan, mga bagay na bumabagabag sa aking isipan kung ano nga ba ang sagot sa mga tanong kong paano nga ba???? Ito lamang po ay galing sa aking imahinasyon, kung may magpakakapareha m...