Paano nga ba ang dating pamilya????"Ate......."
"Gising na....." sigaw nya
"Ano ba yun Sabby, natutulog pa ako eh" sagot ko
"Di mo ba alam kung anong araw ngayon ate??" Tanong nya
"Ano???" Pabalik kong tanong
"Death anniversary ni moshie diba" sagot nya
Napa balikwas ako sa pagkakahiga
"Waitttt, what......"Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung anong araw na ngayon.
Napahawak ako sa aking noo.
Oo nga pala ngayon yun,
"Hindi ako nagising sa alarm" malamyang sagot ko.
"Dalian mo na ate, para makapunta na tayo ng sementeryo". Sabi nya
"Sige sissy, maghahanda na ako". Sagot ko
Oo nga pala, napuyat ako kagabi dahil sa paggawa ng spoken poetry.
Asan na nga pala yun.
Binasa ko ulit ang ginawa ko.
Naalala ko na naman na umiyak pala ako kagabi, kaya medyo masakit ang ulo ko.
Alam ko....
Nakakapagod, nakakapanghina, ngunit hindi ako susuko.
Pagpapatuloy ko to dahil alam kong, worth it lahat ng paghihirap ko.
Hindi lang yun, alam ko rin na sa lahat ng laban ko hindi ako nag-iisa dahil lagi nila akkng dadamayan at naniniwala sila sa akin.
Nag hahanda na sana ako ng blanket na dadalhin namin ng kapatid ko ngunit nakita ko yung damit na bigay sa akin ni momshie.
"Zakura, gising na baby" sambit ni momshie sabay halik sa aking pisngi.
"Bkit po momshie????" Tanong ko
Naka ngiti lamang sya sa akin
"Momshie, ansaya tlga ng umaga ko araw-araw, dahil ikaw ang una kong nakikita at gumigising sa akin" sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Asus ang baby ko naglalambing, may gusto atang ipabili" sagot nyang natatawa
"Ay grabi si momshie, yoko na nga di na ko maglalambing. Wala naman akong ibang gusto eh, sapat na sakin ang nandyan kayo na nagmamahal sa akin" sagot ko na kunwari nagtatampo
"Joke lang baby, alam ko naman yun. Sweet tlga ng baby ko, kaya napaka swerte kong ina dahil sa inyong dalawa ni Elaine" sabi ni momshie
"Momshie naman, ang aga aga pinapaiyak ako...." sabay punas nya ng aking luha
".....alam mo momshie, napaka swerte rin namin ni Sabby dahil napakabait, maalaga at mapagmahal ang aming magulang" sagot ko
"Ikaw talaga Zakura, alam mo talaga king paano ako paiyakin" sagot ny ang umiiyak
"Sorry, momshie. Yakapin na lang kita" niyakap ko sya ng mahigpit "alam ko naman kung gaano kita ka mahal" sabay yakap nya na rin sa akin pabalik.
"Ay oo nga pala Zakura, tara dali may ipapakita ako sayo" sabi nya habang nag pupunas ng mga luha
"Ano yun momshie????" Tanong ko
"Ito oh" maligayang sabi nya sabay pakita sa akin ng isang paper bag
"Ano to momshie???" Kuryoso kong tanong
"Buksan mo dali" sabi nya
"Dali dali kong binuksan ito" nakita ko ang isang light pink na dress na sukat na sukat sa akin.
BINABASA MO ANG
Paano nga ba?????
RomanceIto yung unang libro na aking isinulat, sana lamang ay inyong magustuhan, mga bagay na bumabagabag sa aking isipan kung ano nga ba ang sagot sa mga tanong kong paano nga ba???? Ito lamang po ay galing sa aking imahinasyon, kung may magpakakapareha m...