Chapter 6: Paghahanda

15 1 0
                                    


Paano nga ba naghanda????

Hindi ko alam kung paano ko nga ba sisimulan tong tula

Kanina pa walang pumapasok sa utak ko.

Nakailang lukot na ako ng papel dahil sa paulit ulit.

Ngayon mag sisimula na naman ako ng bago.

Hayssss.......

Pero hindi ako susuko para saamin ng kapatid ko.

Lalaban ako para samin.

Kaya ko to.

Wala namang na banggit kung ano ang dapat na magiging topic ng mga lalahok dahil kami raw ang mamimili ng sarili naming topic.

Hindi naman ako broken......

Pano ako huhugot......

Sapat na siguro ang sakit na pinagdadaanan namin ng kapatid ko......

Para makasulat ako ng makapag damdamaing salita na tatagos sa mga puso ng madla.

Paano ko nga ba sisimulan????
May mga bagay na ang hirap umpisahan,
Kung sa simula pa lang alam mo nang wala ka ng laban.
Mabibigyan ka pa ba ng pag-asa kung alam mo sa sarili mo,
Umpisa pa lang ikaw na agad ang talunan.
Susuko ka na lang ba????........
O ipagpapatuloy mo pa?????
Lalaban para sa pangarap,
At magandang kapalaran.
Marami na kong napagdaanan,
Maraming pagsubok na ang aking nalagpasan.
Papahinga lang,
Pero hindi susuko sa laban.
Pag napagod papahinga pansamantala,
At lalaban muli para ipagpatuloy pa.
Hindi masama ang mapagod,
Basta hindi susuko,
At bibitaw sa pangako.
Ngunit nagtatalo ang aking isipan
Ito pa rin ay aking ipaglalaban.
Dahil may bagong pananaw na nabuo ang aking isipan.
Na.....
Hindi sa lahat ng oras dapat tayong magtiis,
O manatili nang dahil lang sa pangako na ating binitawan na hindi tayo susuko,
Hindi kita susukuan.
Pero darating ang panahon,
Na mahirapan ka at kailangan mo na ring sumuko dahil sobrang sakit na ang iyong nararanasan.
Hindi masama ang sumuko,
Pag hindi na kaya.
Ang mali yung magpatuloy ka kahit alam mo namang maaasaktan ka lang ng sobra.
Susuko, at muling lalaban.
Gagawa ng panibago,
Na mag sisimula ng bago,
para mag turo sayo ng panibagong aral, panibagong dahilan para lumaban.
Ganyan ang ating kapalaran.
Hindi mo kailangan magpanggap na matapang,
Para maipakitang kaya mong lumaban.
Minsan kailangan mo rin bumitaw para hindi ka na mahirapan.
Susukuan ang bagay na hindi na dapat ipaglaban.
Magpapahinga para sa bagay na dapat nating ipaglaban.
At muling magpapatuloy sa lalaban para sa panggarap at kalayaan.

Hindi ko alam kung maayos na tong nagawa ko pero parang nakukulangan ako eh.

Yan kasi yung nararamdaman ko ngayon

Hindi ko alam kung lalaban pa ko, at magpapatuloy o susuko na lang????

Alam kong wala akong laban kila mommy at daddy.

Pero papahinga lang ako, mag aantay ng tamang panahon para lumaban.

Ipaglalaban ang aming karapatan at
Kalayaan.

Dahil habang nandito kami,
Alila ang tingin sa amin.

Sariling ka-dugo
ngunit kung ituring parang ibang tao.

Pamilya pa ba namin kayo,
O alila lang talaga kami para sa inyo.

Napapagod na akong mag panggap,
Napapagod na akong mag tiis,
Napapagod na akong masaktan,
Napapagod na akong walang magawa,
Napapagod na akong mag mukang kawawa,

Pero alam ko,

Balang araw........

Lahat ng aking pinag dadaanan ngayon ay akin ding malalagpasan.

Paano nga ba?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon