Chapter 4: Impyerno

20 1 0
                                    


Paano nga ba naging impyerno????

Di ko alam kung paano ko pa matitiisan ang impyernong buhay na to.

Wala pa kami sa tamang edad ni Sabby para umalis sa bahay na ito, dahil sila mommy at daddy ang legal guardian namin mula ng mamatay sila momshie at popshie.

Kailngan kong magtiis para kay Sabby, sya na lang ang natitirang pamilya ko at hindi ko sya kayang iwan.

Mahal na mahal ko ang kapatid ko.

Itong bahay namin, maraming alaala rito sila momshie,popshie, lashkie at loshkie na hinding hindi ko makakalimutan. Isa rin iyan sa dahilan kung bakit di ko magawang iwan ang bahay namin na ito dahil ito na lang ang natitirang alaala nila sa amin na kanilang iniwan.

Dahil sabado ngayon walang klase...........
Alila day muna kami ng kapatid ko.

Magluluto pa ako ng agahan para sa aming lahat dahil magagalit na naman si mommy pag tinanghali akong magising.

"O Sabby ang aga mo atang nagising????" Sabi ko.

"Ate Eli, anong oras na oh" tinuro nya ang orasan.

Ohhhhhhhh....... myyyyy..... lagottttt 10 am na pala. Hindi ako nakapagluto.

"Sinong nagluto???" Sabi ko

"Well, sino pa ba ang may mas magaling na skills pagdating sa pagluluto?????" Sabi nya

Oo na, mas magaling syang magluto sakin, hilig nya kasi yan. Kaya madalas sya ang nagluluto ako naman taga hugas ng plato.

"Yieeeee...... thank you talaga sissy. Sorry kung nalate ako nagising" sabi ko

"Ok lang yun ate, alam mo naman love na love kita eh" sabi nya

"Ang corny na ah, masyado tayong sweet....." sabi ko

Sabay kaming tumawa dalawa
...........Hahahahahaahah...........

"Alam mo ate, tayong dalawa na lang ang magdadamayan kaya dapat lagi tayong nagtutulungan" sabi nya

"Pero ako yung ate, ako yung mas matanda. Responsibilidad kong alagaan ka pero parang baliktad ako pa ata mas pasaway satin" sabi ko

"Nako ate, marami ka ng nagawa para sakin oras naman siguro para tulungan kita diba. Para ako naman yung bumawi, dahil alam kong mahirap ang buhay natin sa bahay nato simula ng mawala sila momshie" sabi nya

"Hayaan mo Sabby balang araw, makakaalis rin tayo sa impyernong buhay na ito. Magiging malaya at masaya rin tayo. Kaya laban lang" sabi ko

"Pero ate teka lang, san ka nga galing kagabi????" Sabi nya

"Ahhhh, kila Marko. Hindi ko pa nga pala sya naipapakilala sayo" sabi ko

"Ayieeeee, nakakakilig naman asussss" sabi nya

"Di ko nga inaasahan na inaanyayahan nila ako sa bahay nila eh, nakakahiya kaya. Pero alam mo ba sissy saya nila kasama" sabi ko

"Muka nga ate, saya saya mo eh. Sana ako rin makilala ko yang boyfriend mo, para naman masapak ko pag niloko ang ate ko" sabi nya, na may kasama pamg hampas ng kamao nya sa kabilang palad

"Naniniwala naman akong hindi nya ako iiwan at hindi nya ako lolokohin" sabi ko

"Pero ate mag inggat ka, ba ka mahuli kayo ni mommy at daddy, mapapagalitan ka nyan" sabi nya

"Oo sissy, nag iingat naman kami, at syempre ayoko rin na madamay ka." Sabi ko

"Hoy kayong dalawa ano hindi kayo bababa, tanghali na andami ng hugasin, hindi nyo pa nalilinisan ang bahay, mamaya na yang drama nyo. Di naman yan nakakatulong dito sa bahay. Puro kasi kayo drama, kaya di natatapos agad gawain nyo. Isunod nyo na rin ang mga labahin, ang dami na, tambak na puro kasi kung ano ano inaatupag nyo" sabi ni mommy na biglang pumasok sa kwarto namin

Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit nya sa amin. Nung una maganda naman ang pakikitungo nya ngunit kalaunan, bigla syang nagbago. Ginagawa nya na kaming alila rito sa sarili naming bahay. Alam kong malaki ang utang na loob namin sa kanila, sila ang nakakasama namin ngayon ni Sabby, pero kung tutuusin hindi naman namin sila kailngan. Lalo lang kasi humirap ang buhay namin dahil kay mommy.

"Tara na sissy, ikaw na ang maghugas ng mga pinggan, tapos ako na lang ang maglilinis ng bahay para mabilis tayo matapos at makapag laba agad tayo." Sabi ko

"O sige ate, tara na, bago pa dumating ulit si mommy at sermonan na tayo. Ba ka maisipan pa nun dagdagan ang gagawin natin." Sabi ni Sabby

Naglinis na nga ako ng bahay, wala naman gaanong lilinisin dahil araw-araw naman kung maglinis kami ng bahay ng kapatid ko. Kaya di na gaanong mahirap.

Nakakapagod, pero dapat kong kayanin. Hindi ako dapat panghinaan ng loob dahil alam kong may kapatid ako na dapat kong alagaan. Kaya mas uunahin ko ang kapakanan nya, bago ang aking sarili.

Makalipas ng dalawang oras natapos na rin kami, sakto tanghalian na. Kailngan na magluto para pagkatapos kumain makapaglaba na kami at makapagpahinga na ng maaga.

Pinuntahan ko na si Sabby sa kusina para makapagluto.

"Sissy, may sinabi ba si mommy kung ano ang gusto nyang lutuin ngayong tanghalian????" Sabi ko

"Wala naman ate, siguro mag sinigang na lang tayo" sabi ng kapatid ko

"O sige, alam ko namang yan ang paborito mong ulam at meron pa naman tayong hipon sa ref." sabi ko

Nagtulungan kaming magluto ni Sabby ng Sinigang na hipon. Masarap masarap magluto si Sabby pero wala pa rin tatalo sa luto ng momshie namin.

"Bakit ka malungkot ate????" Masarap naman ah" sabi nya nang may pagtataka

"Oo nga, naalala ko lang kasi yung luto ni momshie noon" sabay punas ng luha ko

"Naaalala ko pa nun ate, binabantayan pa natin ni momshie magluto, para tayo yung unang titikim ng luto nya, at magaagawan pa tayo kung sinong una. Kaya ang ginagawa ni momshie, pinagdala tayo ng kutsara lagi......." sabi nya

"......... kung sinong walang kutsara, walang titikim ng luto hahahahahaa" sabay naming pagngiti at tawanan.

Hindi ko makakalimutan ang mga araw na kasama ko pa ang mga magulang namin, walang kasing saya na hihigit pa pag kasama ang buong pamilya, kaya sobrang sakit para samin ni Sabby ng mawala sila. Buti na lang naging matatag kami, na kayanan naming mabuhay hanggang ngayon, sana lang ay mas maging matatag pa kami na harapin lahat ng pagsubok na aming pagdadaanang dalawa. Basta ako naniniwala ako na hangga't magkasama kaming dalawa ni Sabby malalagpasan namin lahat ng pagsubok, mahirap man yan o hindi, basta walang iwanan lahat iyon ay aming mapagtatagumpayan.

"Sa tingin mo ate, kung nandito pa sila, Paano nga ba ang buhay natin???? Masaya pa rin siguro, hindi tayo nahihirapan ng ganito, at mararamdaman pa rin natin yung alaga at pagmamahal nila sa atin." Sabi nya

"Oo naman, panigurado masaya tayo nyan, walang kasing saya. Namiss ko na rin sila, yung pag-aalaga nila satin." Sabi ko

"Naalala ko pa nga noon, tanda mo yung nasugatan ka, kasi naglalaro tayo ng mataya-taya. Di mo nakita yung bato napatid ka, kaya nadapa ka" sabi ko

"Oo ate, agad agad na pinuntahan ako nila momshie, ginamot agad nila ang sugat ko, tapos ikaw iyak ka ng iyak kasi akala mo ano nangyari sa akin" sabi nya

"Sinong hindi kakabahan eh, nakita kitang nadapat tapos may dugo,ayokong nasasaktan ka at ako pa ang dahilan......" sabi ko

"Ako dapat ang nag-aalaga sayo hindi yung ako pa yung dahilan kung bakit ka napapahamak at nasasaktan" duktong ko

"Ano ka ba ok lang yun ate, gusto talaga kitang mahabol nun, sa ka sabi nila momshie diba kasama raw iyon sa pag laki, kasama sa buhay ang masaktan, kaya ayos lang...... gusto rin naman nila momshi na matuto tayong dalawa, na maging responsable. Alam natin kung ano ang tama at mali." Sabi nya

"Sabi rin nila na hindi dapat lagi tayong umaasa sa tulong ng iba dahil dapat kayanin nating harapin ang mga pagsubok sa buhay, basta magtiwala lang sa ating sarili" sabi ko

Paano nga ba?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon