"To command is to serve, nothing more and nothing less." - Andre Malraux
📍***
* FREEDOM *
[Warning: All parts of this book has spg themes and vulgar words, read at your own risk]
Lakad-takbo pa ako sa mga sandaling iyon habang hawak hawak ang kamay ng lalaking si Anton, kakalabas lang namin sa masukal na bahagi ng kagubatan bago pa namin nakita ang malapad na kalsada. Sa pagkakataong iyon, ay tagumpay akong nakawala sa anino ng Basilica. Ang lugar kung saan ako namuhay sa loob ng labing siyam na taon. Nakita ko pa ang pigura ng hinihingal na si Anton.
O'neal Anthony Santiago, ang unang lalaking umangkin sa aking kamusmusan. Ang lalaking sumagip sa akin sa impyernong sanctuary na iyon, ang lalaking akala ko'y langit ang ibibigay niya sa akin, ngunit.. Hindi pala.
Hinding-hindi ko malilimutan ang unang
beses na nagtama ang aming mga paningin. Ang unang beses na talagang nakita niya ako at hindi nilubayan ng tinging gaya n'on. He has an unwavering and intense gaze. Nakakapaso at nakakaakit, na kapag may nakakuha ng interes niya ay doon na lang talaga siya nakatingin,iyong tipong nawawalan ng pakialam sa ibang nasa paligid.Dagdagan pa ng kanyang misteryosong ngiti sa gilid ng kanyang mga labi na para bang palaging may pinaplanong kung anong kapilyuhan. In the dim light of the open ground of Basilica where we talked for the first time, he looked like a handsome devil tempting me to sin.
Walang pag-aalinlangan akong nagpaakit
sa kaniya. Dala rin marahil ng kanyang mala-gayuma na tingin sa akin. Ang kanyang misteryosong ngiting nakakalaglag thong, kaya naman ginantihan ko rin siya ng mapang-akit na ngiti. Ang atraksiyong nararamdaman ko para sa kaniya na pilit kong itinago sa mahabang panahong pakikipag daupang palad ko bilang isang kawang-gawang babae na naglilingkod sa kanila na noo'y mga bisita o dayo sa sanctuary. Ang sabi pa niya'y mahal niya ako kaya naman noong nag alok niya ng pakikipagtanan ay tumugon ako at ayon nga'y naglayas sa Basilica.Ang akalang gaganda ang buhay ko sa kanya, nasa hustong edad na ako noon pero walang kamuwang muwang sa kung akong meron sa mundo. Sa labas na parte ng mundo. Hanggang nakita ko na lang ang sarili sa isang casino at doon na namamalagi bilang isang bugaw o kaya nama'y bayad utang kapalit ng panandaliang aliw.
Kalakip ng katangahang ginawa ko ay ang pagsisisi sa sarili. Napaisip pa ako sa lalaking ka-penpal ko noon. Si Mr. Sniper, siguro'y kung nag hintay lang ako ng mas matagal at hindi nagpatukso kay O'Neal ay hindi ako naririto sa mas impyernong lugar na ito.
Napapikit pa ako habang inaalala ang mga pangyayari. Hindi lamang isang gabi ang nakuha kong pagtitiis, kundi gabi-gabi. Hindi lamang isang halik o simpleng haplos,
o isang beses na pag-angkin ang nangyari
sa pagitan ko at ng mga lalaking iyon. They claimed me, in every sense of that word. Inangkin nila ang aking katawan, ang aking puri, ang aking kaluluwa, at ang aking pagkatao.
BINABASA MO ANG
Rampage Island Series | Love And Bullets🔞
RomanceTHIS NOVEL IS NOW EXCLUSIVELY IN DREAME AND YUGTO APP. Book II • Claudio Grey R. Romero & Gwendaleign Cruz-Lincoln