* Freak Out *
***
"Who dares, wins. Who sweats, wins. Who plans, wins." - British Special Air Service
[Warning: All parts of this book has spg themes and vulgar words, read at your own risk]
Napabalikwas pa ako sa pagkakahiga nang makita ang kakaibang ambiance ng kabuuan ng kwarto na kung nasaan ako ngayon.
Purong black-grey at creme white ang nasa dingding na may mga casual at modern style na furnitures at leather sofas.
Nakikita ko pa ang kagamitan nito na nagkalat sa kahit saan. Teka?Kwarto ng lalaki 'to, ah. Nasaan ba ako ngayon?
Sapo ang aking mabigat na ulo, ay napabangon ako at sa kabiglaan ay nahulog ako sa gilid ng kamang iyon."Potragis! " sambit ko pa habang nakabalot ang aking katawan sa kumot na iyon.
"Animal?! 'Bat.. 'Bat ako nakahu----"
"---good morning. " sabi pa ng boses na iyon habang dala ang kung akong tasa at inilagay iyon sa beside table ng kamang hinihigaan ko kanikanina lang.
Simple pa itong umupo sa leather black na sofa couch sa harap ko at nag gesture ng cheers sa kanyang mug.
Ang hudyong bakulaw na gorilyang si Cloud!
Andito ba ako sa unit niya?
May nangyari ba sa amin?
Bakit ako nakahubad?
Bakit ako nandito?
Iyon ang mga tanong sa utak ko habang nakasalampak pa rin sa sahig.
"I want.. I want my clothes! " sambit ko pa rito na tinugunan lang ng hudyong iyon ng mahinang pagtawa.
Anong nakakatawa sa sinabi ko? Werdo talaga!
"Hey! I said I want my clothes! "
sabi ko pa habang marahang tumatayo sa tulong ng kamang hinahawakan ko.Pero ang hudyong lalaking nasa harapan ko ay tila walang narinig at nagtaas lamang ng mayabang niyang kilay.
BINABASA MO ANG
Rampage Island Series | Love And Bullets🔞
RomansTHIS NOVEL IS NOW EXCLUSIVELY IN DREAME AND YUGTO APP. Book II • Claudio Grey R. Romero & Gwendaleign Cruz-Lincoln