* Wild Windy *
"Heroism doesn't always happen in a burst of glory. Sometimes small triumphs and large hearts change the course of history."- Mary Roach
[Warning: All parts of this book has spg themes and vulgar words, read at your own risk]
"Ugh. " naisambit ko pa habang namalayan ko ang sikat ng umaga sa aking mukha. It's my first morning here in Palau, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatanggap ang mga nagdaang pangyayari bago ako napunta rito.
Sapo ang ulo na damang dama ang mabigat na pakiramdam ay marahan pa akong bumalikwas mula sa pagkakahiga. Sumandal muna ako sa kama bago tuluyang tumayo. I saw my messy long hair that time. Kaya naman, kinuha ko ang isang bandanang palagi kong daladala at iyon ang ginamit na pang tali sa aking mahabang buhok.
I slowly walk to my mini veranda at napahawak sa railings n'on. Suot ko lamang ang boxer shorts habang walang pang itaas. Nasanay na ako na ganito ang suot sa kampo.
Nilinga linga ko pa ang mga katabing veranda sa kabilang banda.
Wala sa isip akong natameme bigla nang mapansin ang isang pigura ng babae na alam na alam ko ang hitsura.
Maitim ang buhok, balingkinitan, may pagka tan ang kulay ng balat at ang perpektong hubog ng pangangatawan.
Sya ba 'yon?
Tanong pa ng sarili ko. Kahit animo'y alam ko naman ang kasagutan.
.
Mataman lamang itong naka indian-squat na tila nag yoyoga. I know these types of wellness routine, ganito rin sila Darlene, ate Shine at mamay Summer sa mansion. They all got that girl issue things.Tss. Mga babae talaga.
Papatalikod na sana ako ng bilang may sumipol sa kung saan.
Napalingon pa ako at nilinga ang kabuuan ng paligid. This building has six storey level na may pa kwadranggulo ang hugis na sakto namang malawak ang espasyo at napapalibotan ng karagatan.
It is the main building of Rampage Island o tinatawag nila Dada Storm na 'Hidden Paradise' .
Nalingonan ko pa ang gawi ng babaeng iyon na may pagitan lamang ng tatlo o apat na kwarto mula sa akin. Natatanaw ko ito sa right wing habang siya naman ay nasa left wing ng gusali. Kaya naman para kaming nagkakasalubong ng tanawin.
Nakita ko pang kumaway ito sa akin gaya ng pagkaway niya dati. Tumaas bigla ang kanang kilay ko at nagkibit beywang.
Hmm.. Ano naman kaya ang pakulo ng babaeng 'to?
satsat pa ng isip ko at nanatiling nakaganuong pwesto."Pssst! Anong pangalan mo?" Medyo may kalakasan pang sigaw ng babaeng iyon.
Seryoso, ang aga aga nyang nagsisisigaw sa bahaging iyon na nag eecho sa kabuuan ng gusali kaya naman nataranta ako at napalinga sa ibang gawi roon.
BINABASA MO ANG
Rampage Island Series | Love And Bullets🔞
RomanceTHIS NOVEL IS NOW EXCLUSIVELY IN DREAME AND YUGTO APP. Book II • Claudio Grey R. Romero & Gwendaleign Cruz-Lincoln