"Whoever said the pen is mightier than the sword obviously never encountered automatic weapons." - Douglas MacArthur
***
* Braveheart *[Warning: All parts of this book has spg themes and vulgar words, read at your own risk]
"Yes, it'll be more convenient for me," sabi ko pa habang nag-ayos ng mga dalang bagahe sa aking walk in closet.
"Okey, then. Baka bukas din ay ipapa-anunsyo namin sa clubhouse ang pagdating mo. Any orders?" Tanong pa ni tita Nikita sa akin na noo'y nakaupo sa aking kama. Tinapunan ko lang siya ng magandang ngiti na tila alam na nya ang ibig sabihin n'on.
"Okey, I'll cater that thing. I mean that place,"
sabi pa nito bago pa tumayo at lumapit sa akin para bigyan ulit ako ng halik sa pisngi."I'll go ahead, hijo. See you later sa dinner." Sabay tapik sa aking ulo na gaya ng ginagawa niya dati. Sa totoo lang isa si tita Nikita sa pinaka-cool na kaibigan ni mamay Summer. Lumaki ako sa presensya nya lalo na kapag may party sa mansion. Siya ang laging nirerequest ni ate Shine na mag-DJ sa aming mini club sa seaside lounge. Kaya naman hindi kataka taka na parang kapatid ko na rin ito. Gayundin si ate Shine sa kanya. Sa totoo nga, dahil sa amin ay nakita nya ang kanyang naging asawa ngayon, si Tito Yvan. Ang ahead na commandant ko sa batallion noon sa training camp.
Nakita ko pa itong lumabas sa aking silid habang may tila naiwan yatang bagay sa aking kama ito. It's a card for something. Nilapitan ko pa ang bagay na iyon at kunot noong pinasadahan ang nakasulat.
"Royal Casino VIP Pass," sambit ko pa habang napalinga sa kabuuan ng kwarto. Mas nagulat pa ako nang makita ang nakasulat na cardholder sa likod na iyon.
"Claudio Romero." The what?Napakamot ako sa mahabang buhok habang isinalampak ang pang-upo sa kanina'y pwesto ni tita Nikita. Napabuntung-hininga na lang ako nang mag sink in sa utak ko ang mga bagay na kanina lamang ay pinapaliwanag ni tita sa akin.
Earlier..
"Cloud, heto ang lounge area, doon ang VIP at dito ang regular client. You can walk also to our personal lounge there," sabay na pahayag habang ang kaliwang kamay naman ni tita Nikita ay nakaturo sa may beach line na bukana ng gusali. Actually, I don't even care what I said, pagod kasi ako ngayon. Kaharap nito ang boarding road kung saan naroroon ang port area ng mga nakahilerang yate at isang maliit na helipad para sa mga aerial vehicles. Tamad ko pang nilinga ulit ang bandang iyon na may nakahilerang wave board. Hmmm..I see. I'll not be bored here. I guess.Litanya pa ng isip ko habang nag iimahinasyon sa posibleng gawin ko kapag walang gagawin na asignatura o operasyon bilang monitoring head dito sa pulong tinatawag bilang Hidden Paradise. Not bad.
BINABASA MO ANG
Rampage Island Series | Love And Bullets🔞
RomanceTHIS NOVEL IS NOW EXCLUSIVELY IN DREAME AND YUGTO APP. Book II • Claudio Grey R. Romero & Gwendaleign Cruz-Lincoln