Two: Vision to Reality
After 3 months of waiting today is the day. What should I do? kinikilig ako na kinakabahan. What should I wear? I have to wear a nice outfit 'coz I will going to meet my boyfriends later. Should I do a skin care? Para naman mas gumanda ako sa picture? Omg nakakaexcite. Mababaliw na ata ako, hindi ko alam gagawin ko. Mag me-make up pa ba ako? O wag na kasi iiyak din ako?
Ang daming tanong na umiikot sa isipan ko ngayon dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Yung feeling na, ikakasal ka na, char.
Hays. My dream will be coming true in a few hours, but my true dream will never come true.
Sure, I'll get to snap a quick picture with them, and get a glimpse of their face. Don't get me wrong, that would mean the world to me. But I'll never actually meet Ziv, Hade, Jazha, Troy and Misael. I'll never get to hang out with them. Tell them how much I love them, how much they mean the world to me, and tell them how they changed my world. They'll never know me either. I'm just an another fan. Another girl screaming their name, and supporting them. That's the reality, reality hurts right?I am Samia Elise Bueno the girl who love a band, more than anything.
-
Nakapila na ako ngayon sa labas ng arena kung saan gaganapin ang concert ng The Band.
Mamaya maya lang din ay papapasukin na kami. I also met my online friends. Sobrang sayang makita sila, at malaman na sabay sabay naming makikita mamaya yung rason kung paano kami nagkakilakilala.Marami din akong nakikitang artista na pakalat kalat. Ang gaganda nila nakaka pressure baka ma-disappoint yung mga asawa ko pag nakita nila ako.
Hindi ko pa pala naiintroduce sainyo yung The Band. The Band is a pop boy band composed of Hade Ahrens, Ziv Ezzel, Jazha Monroe, Troy Vial, and Misael Keann. They're from Philippines. But they are so good to be true na nagkaroon na sila ng fans around the world, they deserve it kasi pang international talaga talent nila ewan ko nga baka pati aliens din sa mars nakikinig din sakanila. Kaya napakaimposible talaga ng pangarap ko. Kahit na ata magkaroon ng dinosaur sa 2050 hindi parin nila ako makikilala.
Hindi ko napansin na malapit na pala ako sa pasukan ng arena. May iba't ibang pinto kami ng papasukan. Merong pinto para sa mga Gen Ad, Upper box A&B, Lower Box A&B And VIP. Sa tingin ko mamatay na ako, kasi may kasamang meet and greet yung mga VIP at Lower box premium. I'm so proud of my self na pinagtrabahuan ko yung perang ginastos ko dito. Ilang b'wan ba naman akong nag timpla ng kape sa starbucks ng gabi tapos madaling araw uwi. Tapos mag aaral sa umaga. I think I deserve this VIP ticket because I worked hard for it.
Nang makapasok na kami sa arena agad naman kaming sinabihan na pumila papunta sa meet and greet room. Lahat na ata ng emosyon nasa akin na. Kinakabahan, natataranta, nahihiya, kinikilig, aba ewan ko naiiyak na din ako! Ikaw ba naman kasi makikita mo ng harap harapan yung mga asawa mo. I mean mga Idol mo hindi ka ba matataranta. Kahit na ang daming tao ramdam ko parin yung lamig ng aircon ng arena. Feeling ko nakatutok saakin lahat ng aircon dito sa arena. Sobrang nanginginig ako. Kahit na nakasapatos ako at medyas parang nakababad sa malamig na malamig na tubig yung paa ko at parang nagiging yelo yung kamay ko sa lamig. Basta parang may snow sa Pilipinas.
Sa sobrang daming tao na nandito, isa kaya sakanila yung batang lalaking hinahanap ko?
Medyo nasa hulian pa ako ng pila. I didn't expect na gan'to karaming tao yung aattend ng concert nila. Parang higit pa ata sa sampong libong tao yung nandito eh.
Napalingon naman ako sa likod ko ng may kumalabit saakin
"Hi! I'm Trisha!" masayang pagpapakilala niya sa sarili niya.
I waved at her and smiled "Sam" tyaka inabot ko sakanya yung kamay ko para makipagshake hands.
"You're trembling your hands are cold too, is it your first time attending a concert?" she asked.
BINABASA MO ANG
Candy Coated Nightmare
Teen FictionShe's having a nightmare every day and night. Her nightmare keeps haunting her over the years. But in the middle of her nightmare, a boy showed up. She found her comfort in him. He's the peace of her nightmare. She feels as if the boy really exists...