Five: Breakfast. Bye. Why?
"Here try this!" I looked at mom. She's holding a black and red mini dress. I don't want to wear a dress so I shook my head.
"Ma, how many times I've told you na we're just having breakfast. Bakit pang dinner naman yung mga pinapasuot mo saakin? Tyaka ma, hindi naman importante kung ano yung dadamitin ko" halos kalahating oras na kasi kaming nag tatalo dito ni mama kung ano ang idadamit ko. Ewan ko ba dito kay mama bakit ang arte arte niya sa kung anong isusuot ko.
"Ano ka ba anak, importante saakin ang mga isusuot mo. I'm not letting you wear that," ginamit niya ang nguso niya para ituro ang black tshirt at denim jeans na pinili ko kanina pa "Tyaka pinagbigyan na kita yesterday to wear shirt"
"I don't want to show too much skin ma" napakamot nalang ako sa ulo ko. Bakit ba sobrang halaga sakanya ng isusuot ko? Is she a fashion stylist?
"You should be confident. Ano ka ba ang sexy sexy mo kaya" nagawa niya pa akong bolahin. Sinundan ko siya ng tingin. Pumasok na naman siya sa closet ko. Ayan na naman siya hahalungkayin na naman niya ang mga gamit ko.
Ilang minuto lang ang lumipas lumabas na din siya "Omg! Sam I found the one! You'll gonna love this" iniabot niya saakin ang napili niyang mga damit.
Lumabas si mama sa closet ko at ako ang pumalit sakanya sa loob para doon ko isuot ang mga pinili niyang idadamit ko. Pinasadya talaga ni mama na magkaroon ng walk in closet ang kwarto ko dahil sa dami ng mga damit ko. Wala naman talaga akong kahilig hilig sa mga damit, kahit ata simpleng tshirt lang ok na saakin yon. Si mama lang naman ang mahilig pasuotin ako ng kung ano ano at bilhan ako ng mga damit. She's so obsessed styling me. She's like a fashion icon, she don't wear any simple clothes. She wear extravagant clothes as if she's on the city fashion week. She wear things that are way too fancy.
And oh! Every year she go to New York, London, Milan, and Paris fashion weeks because she always gets an invitation to it. Siguro dahil nag ta-trabaho siya sa isang fashion company at mataas ang position niya do'n. Is she a ceo? tsh nevermind it's impossible.
Hindi naman gaano kalakihan ang walk in closet ko. May wardrobe lang ako kung saan nandoon lahat ang mga damit ko, at sa tabi nito ang mga istante kung saan naman nakalagay ang mga bag ko at ang ibang pang accessories.
Pag tapos kong mag palit tinignan ko ang sarili ko sa salamin. My wardrobe is a mirrored wardrobe, kaya kitang kita ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa.
I'm wearing a white sweater na nakahalf tuck in sa black and white gingham pants na pinili ni mama. She paired them with black crossbody purse na hindi kalakihan. Sakto lang na lagayan ng cellphone at inhaler ko.
"Mhm? Not bad" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin parin sa salamin.
Narinig kong kumatok si mama kaya agad kong binuksan ang pintuan ng closet ko.
She's smiling but doesn't look satisfied. Don't tell me na papalitan na naman niya 'to, I'm already comfortable with this outfit, gosh almighty! I just want to eat.
Tinignan niya lang ako at walang pasabing pumasok na naman siya sa closet ko para mag hanap na naman ng bagong damit.
Ibinagsak ko nalang ang katawan ko sa malambot na higaan ko. Nakakastress si mama.
"Stand up!" utos sakin ni mama na agad ko namang sinunod "Wear this" ibinigay niya ang hawak niyang sapatos saakin.
"Ma I'm not wearing this. I don't want to wear high heels, it's like 9:00 in the morning"
"Fist of all that's not a high heel, that's called scarpin" pag tama niya saakin "Second, bagay yan sa damit mo. Kaya suotin mo na yan" pumunta ako sa lagayan ko ng mga sapatos para mag hanap ng sapatos na komportable. Ayaw kong suotin yung pinapasuot saakin ni mama, pag sinuot ko yon siguradong sasakit na naman ang paa ko. Ilang segundo lang ang lumipas nakahanap na din ako ng sapatos. Lumapit ako kay mama at ipinakita ko sakanya ang white sneaker na napili ko.
BINABASA MO ANG
Candy Coated Nightmare
Teen FictionShe's having a nightmare every day and night. Her nightmare keeps haunting her over the years. But in the middle of her nightmare, a boy showed up. She found her comfort in him. He's the peace of her nightmare. She feels as if the boy really exists...