Ito ang aming unang interaction.
Ngayon ay nasa event center na kami. Naghiwa-hiwalay ang tatlong grupo para sa kani-kaniyang paghahanda. Ang grupo namin, kumain muna ng lunch bago nasipaghanda na.
Nagpalit kmi ng damit na isusuot sa audition. Matapus nun, nagsikaniya-kaniyang make-up na. Babae nga naman...
Dumating ang oras ng calltime para sa mga auditionee. 1 pm na nun at kailangan naming pumila para sa number namin. Pumila na kami at sa likod naman namin,sumunod ang B.I.
Tahimik kong pinagmamasdan ang mga kagrupo ko, lalo na tong pasaway na bunso namin. Ang kulit kulit kasi eh. Very cheerful at energetic. Kung minsan, nakakaingit ang pagka energetic nya. Sana all...
Biglaan kong naramdamang umangat ang cellphone ko mula sa likurang bulsa ng shorts ko. Syempre, agad naman akong nataranta dahil may kung sinong kumuha noon. Nerbyos akong humarap sa likod upang hanapin kung sino yung snatcher na dumukot ng cellphone ko. Nabigla ako sa nakita ko.
Nasakanya yung cellphone ko. Hawak hawak nya habang nakangiti sya.
Askdvfmsicbsy!
MUNTIK NAKONG MAGKA HEART ATTACK NG DAHIL SAKANYA!
Tss.
"Madaling mananakaw yan pag jan mo nilagay," sambit nya. "Lalo na ngayon, maraming tao."
Binawi ko nalang yung cellphone ko at nag "Thank you" sakanya. Pero feeling ko di nya naman narinig. Ang ingay na kasi ng speaker eh. Medyo na awkward at nahiya na rin naman kasi ako sakanya nun kaya agad na kong humarap ulit.
Tarantadong yun! Pag tripan ba naman ako?
Kuya, close ba tayo?
Speed ka masyado ha! Hmm...
So yun, natapus na yung pila. Nakuha na yung mga numbers tapus nagsimula na ang event. Una silang magpe perform kesa samin.
*cue Jungkook's whistle*
(Armies, hulaan nyo kung anong kanta to.)
Mga amateur coverists lang naman kami. Pero ang B.I? Ang gagaling nila. May justice yung pagko cover nila sa BTS. No wonder, nagiging sikat na rin sila sa community na to. Andami na nilang fangirls. Umingay tuloy ang buong event center nung pag perform nila.
Tumama ang mata ko sakanya. Sya ang gumaganap na RM sa grupo nila.
Hmm.. Not bad.
Magaling din syang sumayaw. Ramdam nya rin ang pagiging RM. Medyo nangingibabaw din sya dahil sa height nya.
Ang tangkad pala nya? Baka alagang Cherifer. Sana all..
Infairness naman, magaling sumayaw. Sayang, di ko mababash. Hahaha joke lang ho. Di ako basher! Slight lang siguro.
After two groups, kami na sumunod. Unfortunately, we messed up a part. Hindi kami nagsabay sabay sa part kung saan kailangan namin mag split then itatas namin ang ulo paharap. Nakakasad naman.
Ilang grupo pa dumaan bago Xsub1. Mga magagaling din silang dancer. Medyo nagkakafangirls na din.
We waited until all auditionees finished. We know na hindi kami makakapasok pero umaasa kami makakapasok yung dalawang grupong kasama namin.
At tama nga! Nakapasok sila!
Lahat kami nag "congratulations" sakanila. Well-deserved din naman kasi. At isa pa, ang gagaling talaga nila.
Nagkatinginan kaming dalawa bigla at medyo tumagal yun ng ilang segundo. Ako na ang unang lumingon palayo. Medyo kinakain na rin naman kasi ako ng hiya eh.
Kami lang ang hindi nakapasok sa main event samantalang yung mga kasama namin pareho pasok.
Narealize ko din bigla na sa lahat pala ng members, B.I at Xsub1, sya nalang pala ang hindi ko personally binati ng "Congratulations". Lahat sila binati ko maliban sakanya.
Ano ba yan?!?!?
Baka isipin nya tuloy na snob ako. O kaya maarte. O kaya kung ano. Naku naman! Favoritism naman ata ako masyado! Malamang iisipin nya mataray ako!
Kung sana lang, nung mga oras na yun, di ako kinain ng hiya.
Xoxo, Mole.
BINABASA MO ANG
Distant Memories
Non-FictionDear diary, Mayroong iba't ibang uri ng love. Isa sa mga yun, ang "Silent Love". Ang love kung saan hindi mo man kayang sabihin, minamahal mo pa rin. Kahit tingin mula sa malayo lang ang kaya mong gawin, ang puso mo, para sakanya pa rin. That is wha...