Dear Diary (12)

9 4 0
                                    

Ito yung nagpakawala ng pag-asang pinanghahawakan ko.

   

   

   

   

    

   

Matapus noon, hindi na kami muling nagkita pa.

Kung alam ko lang na yun na pala yung magiging huli naming pagkikita, sana sinulit ko na. Sana nilubos lubos ko na, hindi ba?

Hangang ngayon nasa akin pa rin ang flash drive nya. Nagka usap pa kami noon patungkol sa mga libro. Nag my day kasi sya ng picture nung bookshelf nya na hugis batman kaya napag usapan namin ang mga libro na meron kami.

Nangako kami na maghihiraman kami ng libro next time na magkita kami tapus isasauli nalang kapag tapus na. Kasu nga lang, hindi na nangyari yun.

Apat na buwan matapus namin huling magkasama, bigla nya nalang na delete ang account nya.

Hindi ko alam kung bakit o kung ano man ang dahilan ng pagdelete nya ng account nya. Basta yun, nalaman ko nalang na wala na yung account nya.

Labis kong ikinalungkot iyon. Mas lalo akong nawalan ng way of communication sakanya. Ramdam kong naputol yung natatanging connection naming dalawa. Or more like, connection ko sakanya. Nawalan ako ng paraan para makamusta sya. An assurance that he was just there and I can still reach him despite not being together.

Nang sumunod na buwan naman, nagsimula na ang malawakang quarantine sa buong bansa.

Mas lalo na kaming nagkalayong dalawa.

Ang tanging nagawa ko nalang nang mga sumunod na buwan ay ang isipin sya lagi at hilingin na sana ay lagi syang nasa maayus na kalagayan. Na maging ligtas sya lagi lalo na noong binalitang nagkaroon ng positive case ng covid19 sa barangay nila. Buti nalang, gumaling naman kaagad at wala ng iba pang nagpositive ulit.

I can only pray for him. Think of him. Care for him from far away. Wish for him to always be well and be kept safe.

Tapus lately, nakita ko sa instagram account nya yung my day nya. Screenshot nilang dalawa ng ka video call nya. 'Blind item' ang nakasulat. May sticker na nakatakip sa babae at tinatakpan nya rin ng kamay nya ang mata nya. Yung mukha nya naman, tinakpan nya ng panda na sticker.

If it were a different case, matutuwa sana ako sa panda na nakita ko.

But seeing that broke my heart.

I smiled at the picture, pero yun ang uri ng smile na nasasaktan. Hindi ko nagawang makaimik. Tiningnan ko lang yung picture na yun at pinakatitigan ng ilang segundo.

Parang natusok yung puso ko. Ewan ko ba? Ang O.A ko no? Kala mo naman kung sino. Kala mo may past kami. Kala mo girlfriend na nadakip ang boyfriend nyang may nilalanding iba.

Naalala ko kaagad yung mga salitang sinabi ng bestfriend ko saakin.

"Itigil mo nalang yan. Kesa naman lagi kang masasaktan nang hindi nya man lang alam."

It hit me, I swear. Pero sa pagkakataong iyon, doon ako todong tinamaan. Doon tuluyang tumama ang lahat ng iyon.

Noon pa man, alam ko nang hindi nya ko gusto at hindi nya ko mapapansin. Pero this reality slap finally woke me up. Na kahit kelan nga, hinding hindi nya ko magugustuhan.

Natatawa ako kasi parang ginusto kong umiyak. Gusto kong iiyak yun at ilabas yung nararamdaman ko pero ewan ko ba, hindi ko magawa. Isa pa, bakit nga ba ako iiyak?

Ginusto kong i open ito sa mga kaibigan ko. Muntik ko nang i chat yung bestfriend kong kasalukuyang nasa Japan patungkol doon pero pinili kong wag na.

Yung iba ko pang kaibigang sina Via, Ysabella, at Shena, naisipan ko rin silang i chat patungkol doon. Aside kasi sa bestfriend ko, alam din nila ang tungkol sa pagka crush ko kay Rafael although lahat sila, hindi sya kilala personally. Katulad ng bestfriend ko, pinili ko rin na wag nalang silang istorbohin pa.

Napili ko nalang mapag-isa sa kwarto.

Bakit ba mukha akong nakipag break? Hahahahaha

  

  

  

  

  

   

If only I was able to tell him how I feel...

If only I confessed to him when I had the chance...

Will things change?

Xoxo, Mole.

Distant MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon