Dear Diary (4)

13 5 0
                                    

Ito ang naging simula ng pagtu-tuksuhan.

 

 

 

 

Nalaman kong may mga ka grupo akong nagkacrush sa members daw ng Xsub1. Meron ding sa B.I daw. Kaya naman nung gabing yun, umingay ang group chat namin. Kasi naman, napag alaman ko ring ilang member ng B.I, may crush din daw sa members namin.

Elysian x B.I ship is now formed.

Nakachat ko si kuya Alex at napag alaman ko ring may crush din pala sya samin! Crush nya yung bunso naming si Faith habang crush naman ni Faith ang Jungkook nilang si Brent at si Brent naman, crush yung main dancer naming si Crystal pero sya, crush nya member ng Xsub1.

Now look how complicated that is!

Dahil nasa usapang ship kami, tinanong ko si Kuya Alex kung sino pa pwede iship sakanila. Tawang tawa ako sakanya kasi binigyan nya ng description mga ka grupo nya.

Si Kenji nakatali na. (may girlfriend na yun eh)
Si Brent, matatali palang.
Si Rafael, magpa pastor.
Si Ryan, iba type nun.
Si Raymond, wag na natin pag usapan.

Medyo nagkainteres ako pagdating dun sa isa. Dahil sakanya, nalaman kong Rafael pala pangalan nya. At na amaze ako nung sabihin nyang magpapastor daw sya.

Hindi kasi halata sa itsura nya ang magpapastor. (Oh diba? Ang judgemental ko talaga!) Nakakatuwa isipin na gusto nya magpastor. Ang kaso nga lang, iba pagkakaintindi ni Kuya Alex.

Akala nya, type ko si Rafael!

Like, whuuuut?

Di ko naman kasi talaga sya type nun eh (hindi pa..) at isa pa, ni hindi nga kmi nagpapansinan. Bakit nya naman maiisip yun?

At ang tarantado, sinabi pa sa mga ka members nya pati na kay Rafael mismo!

Ang lokong 'to! Mga B.I members talaga kung anu-anong kalokohan ang nalalaman. Pati ako, nadamay sa pangtitrip nila!

Si kuya Alex din at si Brent ang dahilan kung bakit nalaman din ng mga kagrupo ko yung pag ship nila samin ni Rafael.

At syempre, dahil usapang "ship", tuwang tuwa naman mga ka member ko. Yun tuloy, napa hot seat ako at naging target ng tuksuhan.

Tss.

Malalagot sya sakin!

 

 

 

 

 

Malay ko bang yun ang magiging simula ng lahat.

Xoxo, Mole

Distant MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon