Dear Diary (9)

9 4 0
                                    

Ito ay ang pagkakataong may nabalitaan ako.

 

 

  

  

  

  

Nalungkot ako bigla. Hays, ewan ko ba. Yung puso ko, biglang bumigat. Mukha kasing wala na kong pag asa.

Mukhang may gusto na syang iba.

Hindi ko naman sya masisisi kung ganoon. Tulad ng sinabi ko dati, hindi kami lagi nagkikita. Hindi rin madalas ang paguusap namin kahit sa messaging app lang. Wala akong ibang paraan para talagang magkaroon kami ng connection at mas maging malapit kami sa isa't isa.

Hindi ko sya masisisi na magkagusto sya sa iba.

Isa pa, ano naman sakin yun? Buhay nya naman yun at kung magustuhan nya nga sya, may magagawa ba ako?

Nakita ko kasi yung post nya sa social media patungkol sa pag aamin sa crush daw. Wala naman syang binangit sa caption nya. Pero yung mga kaklase nya ata at ibang kaibigan, nagcomment. Kung yun daw sa kabilang course.

GUYS, NAGCONFIRM SYA!

IYAKAN NAAAA!

May nag comment na baka raw yung isang babae na taga-educ. Pero sinabi nyang hindi. Kasi yun lang daw nauna. Yung kinonfirm nya. Sya nga raw yung crush nya.

HINDI AKO YUN!

HINDI AKO ANG CRUSH NYA!

T.T

Well, kung sakanya nga sya nagkagusto, okay lang naman saakin. All I can do is accept that fact.

Kasu syempre, hindi ko naman maiwasang mag selos. Gusto ko nga sya diba? Crush ko nga din sya. Hindi ko maiwasang isipin kung gaano kaswerte kung sino man ang babaeng yun.

Ang swerte nya dahil may gustong mapunta sa posisyon nya pero sya ang nakakuha. Ang swerte nya kasi sakanya nakatuon ang mga mata ni Rafael. Ang swerte nya kasi sya ang nagugustuhan nya.

May ini my day na din syang isang babae. Hindi ko alam kung sya nga yun.

Noong una, hindi ko ito pinakialaman pa. Kahit na ganoon, nagpatuloy pa rin yung nararamdaman ko. Back then, when I realise that my crush likes someone else already, uncrush na ko kaagad nun. Ibig sabihin kasi nun, hindi nya naman ako papansinin kasi may gusto na syang iba. Ang dali lang mag uncrush.

Pero bakit sakanya, hindi ko magawa?

Patuloy pa rin akong nagkagusto sakanya. Patuloy ko pa ring hinayaang mas mahulog ang loob ko sakanya. Mas lalo pa rin akong nagkakagusto sakanya.

Naku Rafael, kung alam mo lang...

  

  

   

  

   

  

If only he knew that I am inlove with him...

Xoxo, Mole

Distant MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon