Ito ang aming unang pag uusap.
Pauwi na kami mula sa event. Same seating, gitna ang Elysian. Although, may mga members na nabago ng upuan.Yung bunso na namin ang katabi ko sa left side samantalang yung leader na namin ang katabi ko sa right. Eomma ang tawag namin sakanya, korean term ng "Mama"
Sya naman, imbis na sa unahan, nasa pangatlo na sya. Halos katapat ko na.
Ang isang member ng B.I, napagtripan sa kalagitnaan ng byahe. May binili kasi syang isang bagong Stitch keychain at agad na sinabit sa bag nya. Ninakaw yun ng ka member nyang si Brent habang wala syang kamalay malay. Maya maya, pinagpasa pasahan na.
Sinubukan kong hindi matawa kasi nasa may harapan namin sya nakaupo. Kapag natawa kami bigla, agad nyang makikita. Malamang mapansin nya agad na napagtripan sya dahil saamin at malamang may alam kami sa nangyari.
Nagpasa pasa sila hangang sa nakaabut ito saakin. Pinasa ko naman sa katabi ko, pero pinasa nya ulit sakin. Sa mga oras na yun, alam na ni Alex na nanakaw yung minamahal nyang si Stitch.
Medyo kinabahan ako! Nasaakin yun eh pero naghahanap na sya. Buti nalang, nakatuon ang attention nya sa mga ka member nyang sina Brent, Kenji, Raymond, at Ryan.
May kamay na biglang sumulpot sa unahan ko. Pagkatingin ko, kamay nya na pala yun. Nakalahad para kunin sakin ang ninakaw na keychain. Agad ko namang na gets yun kaya binigay ko naman sakanya agad para wala sakin kapag nagkahulihan na.
Pinasa pasa pa yun hangang sa mahuli na ni Alex si Kenji na katabi nya. Sya na ang nahulihang may hawak sa nawawalang Stitch at dun na rin kami sobrang natawa.
Nang dahil jan, napag usapan namin bigla ang kani kanilang character obsessions.
I mean, sila lang pala. Di ko sinabing meron din ako kaya shh lang. Isa rin kasi akong may character obsession. Yun ay ang panda. Sobrang hilig ko sa mga panda. Ang cute kasi nila and very simple at the same time. Noon mahirap silang hanapin sa stores kaya isa na rin yun sa mga nagustuhan ko. Kasu ngayon, ang dali na. Marami nang panda na mabibili sa mga stores at malls.
So yun nga, tatlo sa members ng B.I, may kanya kanyang characters. Si Brent sa Mickey Mouse, Si Raymond sa Doraemon, at si Alex naman sa Stitch.
Tinuro ko sya bigla. "Sya rin oh, meroon din! Hello kitty sakanya!"
May hindi gaano kalakihang hello kitty keychain kasi sya sa bag nya. Di ko alam kung bakit bigla ko nalang syang tinuro. Malamang nung mga oras na yun, nawala na rin yung hiya ko dahil na rin sa masayang vibes sa loob ng sasakyan. Grabe kasi kalokohan ng B.I eh.
Maya maya, may isang member ng Xsub1 ang nagpakita rin ng keychain nung kagrupo nila. Isa itong cute brown bear at kilala ko kung sino yun.
"Rilakkuma!"
Napa smile ako kasi may isang tao pala dito na may Rilakkuma. Although di naman sya character obsessed sakanya. Pero ang cute nung Rilakkuma keychain. Sarap hingin sakanya. Hahaha.
"Rikama.. Rila.."
Napaharap ako sakanya bigla. Dahil mas malapit na kami sa bawat isa at halos kaharap ko na sya, agad ko syang narinig.
"Rilakkuma," sambit ko ulit para itama sya.
"Rilu.. Ri.."
"Ri.La.Kku.Ma." sabi ko ulit. Tumama na sya matapus nun. "Tama, yung character na yun si Rilakkuma."
Di ko alam kung dahil lang yun sa masayang atmosphere sa loob ng sasakyan, o dahil nagkakasayahan ang lahat, o dahil napakagaan na ng loob ko nung mga oras na yun. Ngunit, kahit ano man yun, masaya ako kasi nagkausap na kami. Hindi man sya formal sentence, at least, nagkaroon na kami ng matinong conversation. At ito yung unang beses.
If only I talked to him even more. If only I didn't let it end with just that.Xoxo, Mole
BINABASA MO ANG
Distant Memories
Non-FictionDear diary, Mayroong iba't ibang uri ng love. Isa sa mga yun, ang "Silent Love". Ang love kung saan hindi mo man kayang sabihin, minamahal mo pa rin. Kahit tingin mula sa malayo lang ang kaya mong gawin, ang puso mo, para sakanya pa rin. That is wha...