EPILOGUE

932 34 4
                                    

KYLA'S POV

Nakatingen lang ako kay maeson dahil parang inis na inis to kakadutdot nya sa phone nya kaya naman nilapitan kona ito at nag tanong

"Bakit? Ayaw sumagot ni kevin??"tanong ko tumango sya

"Tawag na lang tayo nang taxi"pag sabi ko nom dahan dahan syang tumango at nag lakad inalalayan kona man sya ang kaso...

Biglang may huminto saming sasakyan na kulay itim

Lumabas ang mga lalaking malalaki ang katawan at may mga kung ano sa mukha mula sa braso makikita mo ang tattoo

Pamilyar na tatto para sakin.

Nakita kona to tuwing may nagaganap na gulo sa kung saan saan

"SAAN NYO KAMI DADALHIN?"rinig kong tanong ni maeson akmang titingin nako sakanya nang bigla nilang takpan ang ulo ko nang kung anong bagay

"Anong kailangan nyo?"kalmadong tanong ko

Wala akong dapat ipag alala dahil kilala ko sila

"Wag kana mag tanong!"rinig kong sigaw nang isang pamilyar na boses

"Kyla.. Nasan ka?"rinig kong tawag sakin ni maeson di kalayuan sakin

"Nandito ako ayos ka lang?"nag aalalang tanong ko

"No.. n-natatakot ako"yung boses nya nanginginig ang mga yon

"Kumalma ka lang"pag papakalma ko sakanya

"Ano ba kelangan nyo?"masunget na tanong ko

"Napag utusan lang"walang galang na sabi ni david ang kaliwang kamay ni mommy

"Bago nyo gawin to siguraduhin nyong diko kayo nabobosesan at nakikilala.. tanggalin nyo to"pag sabi ko non agad nilang tinanggal ang kung ano sa ulo ko

"Kilala mo sila kyla?"parang natatakot pa din na sabi ni maeson

"Oo.."tanging nasagot kona lang

Humaba ang byahe at kami ni maeson nag sisimula nang mag kainitan.

"So all this time niloloko mo lang kami?"galit na sabi nya tinignan ko nang mabuti ang mata nya

Hindi totoong galit..

"Mas magaling kapa pala sakin umarte"pag sabi ko non bigla syang nanahimik at masama na lang tumingen sa mga lalakeng nakapalibot samin

Hindi naman nyako maloloko alam kong kasama sya sa mga nag plano neto matagpuan ko lang kung ano at sino ang nasa likod neto baka masapak ko

"Ano nanaman?!"sigaw kong tanong nang takpan nanaman nila ang mata ko

"Kelangan mo nyo mag ganto"sabi nung lalaki

Hindi nako pumalag at naramdaman kona lang ang pag tapak ko sa sahig rinig ko din ang boses nang mga tao at nang isa lalaki na bumati

May hagdan kaya nalaman kona lang na pakyat kami naramdaman ko ang malamig na bagay saking katawan. Napagtanto kong na isang condo kami dahil narinig ko ang boses nang kung sino

Sige ang lakad namin hanggang sa nakarating kami sa isang elevator ata to dahil narinig ko ang pag ting neto.

"Good afternoon ma'am and sir saang floor po tayo?"rinig kong tanong nang babae wala akong narinig na sumagot kaya kahit nag taka hindi ko nalamang iyon pinansin

THE CAMPUS CRUSH [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon