E P I L O G U E

1.9K 55 22
                                    


"Stupid!
Idiot!
Gaga!
Tanga! "
Paulit ulit ako'ng sinigawan ni Ding ngayon kung saan ako nanatini sa loob ng kwartong nilabasan ko kanina. 

Wala akong magawa dahil nanginginig ako. 

Unang beses ako sa tanang buhay ko na gagawa ng isang bagay at disisyong may babago hindi lang ng buhay ko kung hindi sa mga anak ko.

Paparik parik si ding habang ako namanay naka upo sa Sofa. 

Naka lock ang pinto at kanina pa niya ako tinatadtad ng pag mumura. 
Pati ata laway na napupuwing na ako. 

"Ano nanamang katangahan ito Maria?!  Ano?  Ikaw na nga itong papakasalan ikaw pa ang itong malakas ang tuhod na tumakbo? Oh,  paano si Rio?  Iyang dinadala mo?  Kung hindi ka lang buntis natiris na kita!  Gg mo!"

"Hindi mo ako na iintindihan Ding. "Sagot ko rito at yung tipong muntikan lang niya ako'ng sabunutan. 

Hindi ko tuloy alam kung bumalik nanaman ang kabaklaan niya o ano en. 

"Aba ano naman ang hindi ko na iintindihan aber? "Panunuya nito sa akin at tinignan pa ako ulo hanggang paa.

"Yung bang tomboy ka kamo ikaw? "Saad nito at kasabay noon ang mapanuyang halakhak niya. 
Nakakasakit na siya ng damdamin ha!

"Hoy babae ,tigilan mo ako!  Ang usapan Surrogate for a child at hindi children! Sabihin mo nga sa akin,  matapos mong ipanganak si Rio walang nang yari ba sa inyo?  Huwag mo akong gawing gago beks.  Ayan sa tyan mo ang ebidensya.  Daig mo pa ang babae leche ka!  Ano hahayaan mo nanaman yang dinadala mo na isilang ng walang kinikilalang ama?  Aba special child ka!  Di ko alam kung paano siksikin yang turnilyo sa utak mo!"

Hindi ko napigilan ang pag agos ng mga luha sa mga mata ko. 

"Ngayon iiyak iyak ka?  Aba!  Alam mo bang sinuntok ko yung pag mumukha ng gagong iyon kanina dahil wala atang pakundangan sa tarugo at binuntis ka nanaman?  Gaguhan din ah ano gagawin kang palahian?  Tapos noong nalaman kong may lecheng romantic proposal pa pala yung gago hinayaan ko na pero ikaw nanaman itong si kaptain TANGA! Leche nyo! Nanunuyo utak ko sa iyo beks.  Diba sabi ko panindigan mo iyan pinang gagawa mo?  Oh ano----"
Hindi natapos ang pag lilitanya ni Ding sa akin nang biglang tumalsik ang pinto kasabay noong sumulpot ang galit na mga mata ni Daviz na nakatingin sa aming dalawa. 

"Why the fuck did you two lock doors? At bakit ka umiiyak? "Puno ng himutok na saad nito. 

Hindi GALIT ang nakikita ko kundi pag alala.  Kasabay noon ang pag lapit niya kay Ding.
"And did I fvvking tell you to stop closing doors especially when you talk to My Ligaya? Huwag mong sisigawan ang mahal ko! "

"Edi IKAW NALANG ANG SISIGAWAN KO!  GAGO KA RIN PALA EH! " Sigaw ni Ding rito. 
Naging awah na nilang dalawa ito kasabay noon ang pag pasok ni Sharm at hinigit ang dalawang nag aaway ng pahiwalay. 
Galit na ngayon si Ding.

"KAYA LALUNG NAGIGING ESTUPIDA ITONG BABAENG ITO DAHIL KINUKUNSINTI MO!  YANG PAG MAMAHAL MO MASYADONG SPOILER!  TINAKBUHAN KA NA NGA SA PAG PAPAKASAL NAKUHA MO PANG MAG ALALA.  KAILANGANG MAY MAG SABI SA INYO NG PAMPAGISING! IKAW,"Duro niya kay Daviz. "Ikaw yung TANGA, BINGI AT BULAG." Nilingon ako ni Ding.
"Siya naman yung PIPE, HANGAL AT MANHID! Mga leche ninyo!  Isipin ninyo yung MGA anak ninyo at hindi yung pagiging melo dramatic!  Daig pa ninyo ang MMK! "
Sabi nito at hinigit palabas ng kwarto si Sharm kasabay ng pag bagsak ng pinto pasara.

 
Isang katahimikan ang pumalahaw sa aming dalawa.
"Mga anak? " siya ang unang nakabawi mula sa eksena kanina lang. 

Tumayo ako kasabay ng pag tango ko na kinagulo niya. 
Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Napayakap ako ng mahigpit sa kanya kasabay ng pag hinagpis ko. 
Iyon bang pakiramdam na masaya ako dahil sa kabila ng ginawa ko naririto parin siya sa harapan ko. 
Para akong sinampal ni Ding at sinabunutan.

Lasap na lasap ko bawat salita niya.
Tama si Ding isa akong pipe. 

Hindi ko mailabas ang nasa isip ko at tunay nanararamdaman ko. 

Masyado akong nagpaka Hangal sa pag iisip na nuon pa man isa akong lesbiyana. 

Masyado akong nagtiwala sa pinili kong maling nararamdaman. 

Dahil sa pride ng pagiging tomboy.
Bulag ako sa katotohanang matagal ko nang iniiwasan ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya...

Naramdaman ko ang pag alo niya sa akin at marahang pag tapik sa likuran ko upang patahanin ako.
Tanga nga si Daviz.

Masyado siyang nabulag sa pag mamahal sa akin at nag bingi bingihan sa pinag sasabi ko. 

"Bakit Daviz? " tanong ko rito habang yakap yakap ko na siya.
Napanatag ang damdamin ko sa paraan ng pag hinga niya.

Pinag layo niya ang mga katawan namin upang makaharap ako.
Nakikita ko nanaman ang mga matang humihigit ng kaluluwa ko.

"Tangga,  bingi at bulag ang pag mamahal ko sa iyo Ligaya. Ikaw lang. Yeah, I guess Ding's right. I just fvcking love you.  That's all. "
At napatawa ako dahil sa sinabi niya.
Leche hindi lang tawa ang pinaramdam niya sa akin. 

Pinakilig pa niya ako.
 
Napangiti ako dahil doon niyakap ko ulit siya. 
At sa kaunaunahang beses sa tanang buhay ko..

Ngayon ko lang ito sasabihin ng walang pag iimbot at sa iisang lalake...

"Mahal na mahal din kita Daviz... Magiging dada ka nanaman ulit. "
Hanggang dito nalang ang pag sasara ng aming libro.

Alam kong marami pa kaming pag dadaanang dalawa. 
Nag simula lahat sa pagiging despirada kong magka pera at anak...
Mag tatapos sa kabanatang nag pakita sa akin ng isang uri ng pag mamahal na hindi ko naranasan sa tanang buhay ko.

Na ang tunay na pag mamahal ay walang kinikilalang kasarian.
Tinatanggap ka nang buong buo.
Higit sa lahat ang pag mamahal ay hindi ka babaguhin sa halip ay ipag bubunyi ka bilang ikaw ng walang pag iimbot.

Ang pag mamahal na kahit saktan ka ng paulit ulit sisikapin mo paring balikan,  patatawarin at kakapitan.

wakas

Maraming salamat po sa mga patuloy na nag babasa ng librong ito at dahil naka saksi na kayo hanggang katapusan ng libro'ng ito, sana ay ma-i SHARE, COMMENT or VOTE po kayo.
Malugod kong iniimbitahan po kayo na basahin ang ibang akda ko.
Ma giging CAMEO sina Daviz at Mario sa ibang mga libro ko. Sana ay magustuhan ninyo ang paunti unting binubuo kong daigdig sa larangan ng pag susulat.
Pag pasensyahan nyo na po minsan ang TYPOS ko at dahil dakilang tamad ako minsanin din akong mag UD.
Sorry po.

Maraming salamat sa lahat-lahat!

Nag mamahal,
Icecream11 ( dahil banned ang UN na iyon sayang ang mga libro ko😢)

ICECREAM_XI
😘

Surrogate For A Child Book 2: CONFESSIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon