Chapter 6

84 2 0
                                    

"Excuse me po.. Excuse me.." boses nang isang babae ang naririnig ko. Malambing at kalmado..

Lumingon ako sa likuran ko at hinanap kung sino ang babaeng nagsasalita.

Nahirapan akong hanapin nang tingin ang babae. Pero napatigil at nagulat ako nung nakita ko siya.

"Shit!", napamura ako.

"Siya.. Siya yon!", pilit kong sinasabi sa isip ko.

Napatigil ako at natulala sa babae na parang hindi alam ang gagawin.

"Excuse me po, pwede po bang paki-abot yung nasa taas? Hindi ko po kasi maabot eh." malambing na pakiusap ng babae.

Hindi ko namamalayan na ako pala ang kinakausap niya kaya patuloy pa din ako sa pagititig sa kanya.

"Hello? Excuse me po? Ayos ka lang kuya?" tanong niya sa akin.

"Ah.. uh.. A- ako? Ako ba?', pautal-utal kong tanong sa kanya.

"Oo. Ikaw nga. Pwede bang paki-abot yung nasa itaas? Hindi ko kasi maabot eh.", pakiusap niya sa akin.

Natameme na lang ako at agad inabot ang junk food na pinapaabot niya sa akin saka ko binigay sa kanya. Hindi mawala ang pagkakatitig ko sa kanya.

"Ayun! Salamat kuya..", sabay ngiti nang babae.

Nakatitig lang din ako sa kanya at nakangiti.

Aalis na sana siya nang bigla kong naitanong ang pangalan niya.

"Anong pangalan mo Ate?", nagulat ako sa naitanong ko sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit "ATE" ang itinawag ko sa kanya.

Lumingon ulit ang babae sa akin. Nahawi ang kanyang buhok na parang nasa isang shampoo commercial.

"Ako ba? Belle. Belle Rosanto po.." sagot niya sa akin with smile pa. Sabay alis palayo..

As usual, napatitig na lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo tulad dati noong makita ko siya sa campus na tila nagmamadali habang nakadungaw ako sa may pintuan.

"Belle pala :))" bulong ko.

Siya talaga yung babaeng nakita ko dati. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko.

Tulad dati, hindi siya ulit mawala sa isip ko. Paulit-ulit kong binibigkas ang kanyang magandang pangalan habang nariring-rinig ko ang malambing niyang boses.

In-love? Hindi ko alam. Siguro.

Pinagpatuloy ko ang paglilibot sa grocery.. Nagbabaka-sakali ako na makita siya ulit. Baka hindi pa siya nakakalayo o nakaka-alis.

.. Pero wala na talaga.

Hindi mawala ang mga ngiti sa aking mukhang. Para akong sira-ulong naglalakad sa buong grocery ni Tito Dante. Pakiramdam ko tuloy pinagtitinginan ako ng mga tao.

Hanggang sa makauwi kami ni Tito Dante sa bahay. "BELLE" pa din ang pumapasok sa isip ko. Puro pangalan niya lang ang naiisip ko. Kahit sa pagkain ko nang hapunan ay hindi mawala ang ngiti sa aking mukha. Hindi ako makaget-over sa naganap na pagtatagpo namin at sa grocery pa talaga ni Tito Dante.

Nang napansin ako ni Tito Dante na parang lutang at nakangiti,

'Huy Nate! Ano? Nag-dodroga ka ba? Ngiting-ngiti ang anak ko ah.. In-love ka siguro no?!", pagbibiro sa akin ni Tito.

Hindi na lang ako kumibo at ngumiti na lang sa kanya. Dumiretso na 'ko nang kawarto para makapagpahinga.

Kahit sa pagtulog ko, si Belle pa din ang naiisip ko. Walang bukam-bibig ang utak ko kundi ang mga pangalan niyang paulit-ulit kong binibigkas sa isip..

'Belle..

Belle.

Belle..

Zzzzz.... zzzz....."

Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa kakaisip sa kanya.

Destini Sa BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon