Chapter 7

85 1 0
                                    

Kinabukasan, araw nang Linggo.

Maaga akong gumising para magsimba sa bayan at maabutan ang misa para naman makapagpasalamat din ako sa Diyos sa araw-araw na biyayang aking natatanggap.

Ala-7 na umaga nang makarating ako sa bayan. Tanaw ko na agad ang mga tao sa labas nang simbahan. Hindi na sila makapasok dahil puno at masikip na sa loob nang simbahan.

Para biyayaan pa ako nang Diyos, napag-desisyunan kong tapusin ang misa. Para na din maging isa akong banal na tao. Hehe.

Isa sa pinaka-gusto kong gawin tuwing magsisimba ay ang pagsasabi nang "Peace Be with You" sa bawat taong nagsisimba din. Lahat nang mga katabi ko ay nagbabatian na din kaya nakipagbatian na din ako.

Lingon sa kanan, "Peace be with you.."

Lingon sa kaliwa, "Peace be with you too..'

Sa harap, "Peace be with you."

Sa likod, " I LOVE YOU! Ay! Ah-ah-uh, este, peace be with you pala..", sabay kamot sa kulot ko.

Akalain mo nga naman. Nasa likuran ko pala si Belle! Nagsisimba din. Hindi ko na naman akalain na magtatagpo na naman ang aming landas.

Nginitian niya ako nung nakita ko siya. Tila nahumaling na naman ako sa ganda niya.

"Peace be with you, Nate!!" bati niya sa akin.

Nagulat naman ako nung sinabi niya ang pangalan ko. Hindi ko naman nabababggit sa kanya ang pangalan ko. Hmm..

"Peace be with you din Belle.." nanginginig ang boses ko habang sinasabi ko ang mga salitang yon.

Grabe talaga ang tadhana. Pilit ata kaming pinaglalapit ni Belle. Feeling ko tuloy meant-to-be kami ni Belle. Anssaabee?

Pagkatapos nang misa, hinintay ko siya sa labas ng simbahan. Medyo kabado ako, pinagpapawisan at natotorete.

Nang natanaw ko na siyang palabas nang simbahan, napalunok ako. Hindi ko alam kung naeexcite ako o kung ano.

Ayan na siya..

"Hi Belle!" bati ko sa kanya na parang hindi ako naiilang.

"Hello din Nate!" bati muli sa akin ni Belle.

At dito ko na naitanong sa kanya kung paano niya nalaman ang pangalan ko.

"Ah, alam mo pala yung pangalan ko? Pano mo nalaman?" tanong ko.

"Hihi. E kasi Nate yung nakalagay na pangalan sa likod ng t-shirt mo.. Kaya naisip ko Nate yung pangalan mo." paliwanag ni Belle.

Napakamot na lang ako sa ulo at ngumiti. Akala ko kasi inalam niya talaga yung pangalan ko..

"Uh-uh.. Ah, Sino pala ang kasama mo?" tanong ko.

'Ako lang e.. Madalas ako magsimba dito sa Dasma. Ikaw? tanong niya din.

"Ako lang eh. Taga saan ka ba?"

"Sa Imus ako.. Ikaw?"

"Dito lang din sa Dasma.."

"Aahh. Ok."

Di ko na alam ang sasabihin ko kay Belle. Gusto ko siya makausap nang matagal pero paano?

" Ahm Belle, kailangan mo na ba umalis? Yayain sana kita muna tumambay, kumain.. usap-usap lang?" sabi ko sa kanya.

"Sure! Wala naman akong gagawin ngayon eh." sagot niya sa akin na may kasamang matatamis na ngiti.

Natuwa naman ako at pumayag siya na sumama sa akin kahit hindi pa kami ganun magkakilala. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapatitig na lang sa kanya. Ang saya ko nung oras na yun. Pinipigil ko lang ang kilig na nararamdaman ko.

.. At dito nagsimula ang pagkakaibigan namin .

Mahaba ang naging pag-uusap at kuwentuhan namin. Marami akong mga nalamang bagay sa kanya na hindi ko inaasahan. Tulad na lang ng may step father din siya. Iniwan kasi sila nang tatay niya nung bata pa siya. Hindi niya na daw ito nakilala simula noon. Sumama daw ito sa ibang babae at ipinagpalit sila. Malaki ang galit na nararamdaman niya sa tunay niyang ama ang pagkakasabi niya. Pero masaya na naman daw siyang kasama ang Mommy niya at ang Step Dad niya.

Nag-aaral din siya sa Adamson University at kumukuha nang BA Mass Communication. Nalaman ko din na matalino si Belle. 15 years old pa lang siya ngayon at nasa 1st year college na siya. Marami na siyang parangal at awards na natatanggap simula nung bata pa lang siya.

Nalaman ko din na wala siyang Bf, kaya naman tuwang tuwa ako nung nalaman ko yun.

Taga-Cavite din pala siya, pero sa Imus nga lang. Hindi na bale, malapit lang naman yun sa Dasma. Mapaglaro talaga ang panahon. Pinaglalapit nang hindi inaasahan ang mga taong hindi naman magkakakonekta.

Madami-dami din ang napag-usapan namin ni Belle. Nagpalitan kami nang mga istorya sa isa't-isa at simula noon, masasabi ko nang close at magkaibigan na talaga kami.

Inabot na kami nang hapon sa pag-uusap. May pasok na din bukas at baka madami pa siyang kailangan gawin kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa.

"Sige Nate. Salamat sa oras at nice to meet you. Thanks talaga. Text mo na lang ako kung may kailangan ka. Bye.. Ingat!" paalam niya sa akin.

"BYE!" yun na lang ang tanging nasabi ko habang tinititigan siya palayo. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ibang klase pala talaga si Belle. Ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kanya.

Pag-uwi ko nang bahay.. naghanda na ako agad nang makakain namin ni Tito Dante para sa dinner. Ayoko na pati ang kakainin namin iintindihin pa ni Tito Dante.

Habang nagluluto ako nang kakainin namin. Hindi ko maiwasan ang matulala kapag naiisip ko si Belle. Simula nung naging pag-uusap namin nung araw na yon ay naging masaya ang bawat oras at araw na kinikilos ko. Palagi na din kami nagkakatext simula nung nakuha ko ang number niya. Hayyss.. Siguro nga in-love na ako sa kanya.

Destini Sa BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon