Chapter 5

104 2 0
                                    

Walang pasok ngayon. Araw nang sabado..

Tapos ko na gawin lahat nang mga assignments at mga dapat gawin para sa school. Humiga ako saglit sa kama para makapagpahinga nang konti ang utak ko. Pumikit ako para marelax akong maiigi. Ilang sandali pa lang ang nakakalipas ay nakaramdam na ako nang kabagutan at matinding pagka-bored.

Nakakapanibago kapag walang pasok. Walang magawa. Hindi tulad kapag nasa school ka. Bising-busy ang peg mo. Sulat nang ganito, ganyan.. Sagutan ang ganito, ganyan.. Gawa nang ganito at ganyan. Basta madami. Hindi ka mauubusan nang gagawin.

Isip ako nang isip nang pwedeng gawin, pero ayaw talaga gumana nang utak at katawan ko. Tinamad na din akong kumilos at umalis sa pagkakahiga.

Kalaunan ay lumapit sa akin si Tito Dante.

"Nate. Gusto mo bang sumama sa akin sa grocery? Wala ka naman ata ginagawa eh. Para may mautus-utusan naman ako dun. Tara!" yaya sa akin ni Tito habang hawak ang ulo ko at kinukusot ang aking buhok.

Hindi na naman ako tumanggi at tumango na lang ako. Wala din naman kasi akong gagawin sa bahay kung magpapaiwan pa 'ko. At tsaka kahit man lang sa maliit na paraan, mabayaran ko yung utang na loob ko kay Tito Dante. Lalo na't kinupkop niya pa rin ako kahit hindi kami magkaanu-ano.

Pagdating namin ni Tito sa grocery niya, kitang-kita ko kung gaano ka-busy ang bawat tauhan at empleyadong nagtatrabaho sa kanya. Paano kaya niya napapatakbo nang mag-isa ang ganitong kalaking grocery store? Madami din ang mga taong naglalabas-masok dun para bumili. Karamihan nang mga bumibili dito ay mga taong may-ari nang isang sari-sari store o di naman kaya ay may maliit na tindahan.

Hindi na din ako nagtataka kung bakit kayang-kaya akong suportahan ni Tito Dante sa mga pangangailangan ko.

Sa pagsama ko kay Tito Dante ay nakita ko kung gaano siya ka-tiyaga sa pagpapatakbo ng grocery na 'to. Tutal wala pa din naman siyang iniuutos at pinapagawa sa 'kin, nagpaalam muna ako sa kanya para makapaglibot sa grocery.

Andami talagang tao.. Madami ding tinda. Iba-iba yung mga naka-stocked. May pang-luto, may mga junkfoods, canned foods, etc. Basta madami talaga. Habang tinitingnan ko yung mga tinda. Hindi ko maiwasan sabihin sa sarili ko na "Ang swerte-swerte ko!" habang nakangiti.

Habang naglalakad-lakad, nakapukaw nang atensyon ko ang isang batang lalake kasama ang kanyang nanay at tatay. Tinuturo nang bata sa mga magulang niya yung tsokolate na gusto nitong bilihin.

Napatahimik ako at nalungkot..

Naalala ko lang ang sarili ko sa bata. Halos magkasing-edad lang kami nang maulila ako kay Mama at Papa. Nakakamiss din sila.

Mas masarap pa din ang lumaki at mabuhay kung ang mga tunay na magulang mo ang mag-aalaga at magpapalaki sa'yo.

Pero ganunpaman, malaki ang pasasalamat ko sa Diyos at may nag-alaga sa akin. Malaki ang utang na loob ko kay Tito Dante. Di ako nagsisisi na siya ang kumupkop sa akin. Itinuring ko na siyang tunay na ama at mahal na mahal ko siya. Balang-araw, makakaganti din ako sa mga kabutihang ginawa niya para sa akin.

Napatitig na lang ako sa bata at napatigil sa paglalakad..

Lumalawak na naman ang pag-iisip ko.

Ilang sandali ay nakarinig ako nang boses na nanggagaling sa likuran ko..

Destini Sa BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon