Chapter 9

96 1 0
                                    

Simula nuong naging malapit na kaming magkaibigan ni Belle, ay palagi na kaming magkasama.

Mahigit 5 months na din ang nakakalipas simula nang nagkakilala kami. Madami na kaming bonding moments at memories bilang malapit na magkaibigan. Idagdag mo pa si Ronnel na palagi na din naming kasama.

Bago ako umuwi ay nakikipagkita ako sa kanya. Minsan ay hinihintay ko siya para sabay kaming makauwi tutal naman parehas lang sa Cavite ang destinasyon namin.

Palagi kaming sabay kumain kapag magkaparehas kami ng vacant time.

Minsan naman ay nagpupunta siya sa bahay para tulungan ako sa mga assignments kahit hindi kami magkaklase. Marami na din kaming narating na lugar na pinapasyalan at minsan nakakasama din namin si Ronnel.

Iba talaga ang nararamdaman ko kapag si Belle ang nakakasama ko. Masaya ako at palaging nakangiti. Magaan din ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang sigurado ako.. Mahal ko na siya.

Hanggang dumating ang araw na nakahanap na ako nang lakas nang loob para ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko.

Hinihintay ko siya nung araw na yun tutal sabay naman kami uuwi galing nang Adamson. Hindi ako mapakali. Pinagpapawisan ako at aminadong kinakabahan. Hindi ko din maiwasan ang mapadasal para bigyan ako ng lakas ng loob ng Diyos..

Hanggang sa natanaw ko nang padating si Belle..

Nararamdaman ko ang kaba habang unti-unti na siyang papalapit sa akin habang nakangiti..

"Hi Nate! Tara uwi na tayo.." yaya niya sa akin.

"Ah.. T-Teka lang.. Belle.. May gusto ako sanang sabihin muna sa'yo.." nauutal kong sabi sa kanya habang pinagpapawisan.

"Uh.. Nate? Ayos ka lang ba? Parang masama ata yung pakiramdam mo ah.." sabi niya.

'Ah.. hindi. May sasabihin lang ako sayo." ani ko.

"Sigurado ka? Sige. Ano ba yun?" aniya habang nakangiti.

Tumahimik saglit ang mundo sa pagitan namin.. Humangin ng malakas at maririnig mo ang ihip nang hangin. Tinitigan ko siya sa mga mata. Buong tapang kong sinabi sa kanya ang nararamdaman ko..

Huminga ako nang malalim..

"Belle.. Belle.."

Nakatingin lang sa akin si Belle.

"MAHAL KITA BELLE!" sabi ko.

Kitang-kita ko ang pagkabigla ni Belle sa sinabi ko at tumahimik lang siya.

"Una pa lang kita makita, gustung-gusto ko nang mapalapit sayo.. Gustung-gusto ko nang mapalapit sayo.. Gustung-gusto kita maging kaibigan.. Hanggang sa nangyari na nga. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing kasama kita, kapag nakikita kita. Ikaw lang ang nagpapangiti sa akin. Ikaw ang naging inspirasyon ko. Hindi ko talaga aakalain na magtatagpo ang landas natin nung una kitang nakita. Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na pinagtagpo Niya tayo, na naging magkaibigan tayo. Salamat kasi naging kasangga kita sa araw-araw na nabubuhay ako. Salamat kasi nadama ko sa'yo ang ganitong kasayang pakiramdam.. Pero hindi na kaibigan ang turing ko sayo.. Mahal na kita. Mahal na mahal kita Belle.." buong-puso kong sinabi niya sa kanya ang nararamdaman ko.

Nakakatitig lang siya sa akin pagkatapos kong magsalita, seryosong-seryoso..

Nawalan ako nang pag-asa, kaya aalis na sana ako dahil nasabi ko na naman ang gusto kong sabihin nang bigla akong niyakap nang mahigpit ni Belle. Mahigpit na mahigpit. Nararamdaman ko din ang mga luha niya na pumapatak sa likod ko.

"Belle?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa mga mata ko at nakangiti siya..

"Hindi mo alam Nate kung gaano ako kasayang nalaman ko yan mula sa'yo.. Mahal din kita.." sabi sa akin ni Belle sabay yakap ulit.

Hindi ko maiwasan ang ngumiti at mapaiyak sa tuwa. Niyakap ko din siya nang mahigpit na mahigpit.

At simula nun, Girlfriend ko na si Belle.

Di ko inaasahan na parehas pala ang nararamdaman namin sa isa't-isa.

Mas lalo namin naramdaman kung gaano ka-importante ang presensya nang isa't-isa. Dito ko lalong naramdaman ang sobra kong pagmamahal kay Belle.

Destini Sa BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon