Chapter 8

83 2 0
                                    

Sa Campus, araw nang Lunes..

Maaga akong pumasok para makapagmasid pa ako sa may pinto. Nagbabakasakali na makita ko ulit si Belle. Mahabang oras din ang pwede kong ilaan dito habang wala pa ang professor namin.

Pero mahigit 30 minutes na ang nakakalipas, hindi ko pa din siya natatanaw. Kumakapal na ang mga tao at estudyante sa campus at baka mahirapan na akong makita pa siya. Maaaring parating na din yung Prof namin.

"Huy Nate! Andyan na si Sir, Tara na!" sinigawan na ako ni Ronnel.

Umupo na ako at hinintay na lang ang pagdating ni Sir. Balewala din ang pagpasok ko nang maaga dahil hindi ko nakita si Belle. Bago pa dumating si Sir ay chineck ko muna ang cellphone ko.. at may 1 message nga. Akala ko naman kung kanino galing pero napangiti ako nung kay Belle pala galing yun..

Binasa ko agad:

"May vacant aq mmyang 10am. Ikw? Kita tayo sa cafeteria. Sabay tau kain :))"

Napangiti na naman ako ulit. At napansin ako ni Ronnel..

"Text nang text andyan na si Sir e.." saway sa akin ni Ronnel.

Buti na lang at vacant ko din ng 10AM. Masasabayan kong kumain si Belle. Hindi ko maiwasan ang ma-excite at maging atat na puntahan siya.

Nagpatuloy ang klase. Naiinip na ako. Marahil ay excited lang ako kaya ko 'to nararamdaman. Di naman ako naiinip dati nang walang dahilan..

Mabagal na tumatakbo ang oras. Maya't maya ay tinitingnan ko ang aking orasan. Natapos na ang tatlong subject at tumunog ang bell.

"Kriiiiiiiiiiingggggggggggggggggggg!!!!"

Ibig sabihin, break time na!

Nagmamadali akong lumabas nang classroom para pumunta ang cafeteria.

"Nate! Nate! Sama naman ako sayo." hinabol pala ako ni Ronnel.

"Hmm.. Sige. Tara!" hindi na din ako nakatanggi kahit mas gusto ko na dalawa lang kami ni Belle.

Pagdating ko sa cafeteria ay lingon ako ng lingon kung saan-saan. Nahirapan ako hanapin si Belle. Masyadong malaki ang Campus' Cafeteria at madaming estudyante ang kumakain dito. Natagalan ako sa paghahanap sa kanya hanggang sa natanaw ko siya.

"Ayun siya! Tara Ronnel dun tayo." yaya ko kay Ronnel pagkakita ko kay Belle.

Umupo kaming tatlo para kumain at makapag-kwentuhan.

"Hi Belle! Kanina ka pa ba?" tanong ko habang hinihingal.

"Naku, hindi naman. Sakto nga lang ang dating mo e" nalangiting sagot ni Belle.

Napansin kong biglang nagkatinginan si Ronnel at Belle na tila kinikilala ang isa't-isa kaya naisipan kong ipakilala si Ronnel kay Belle.

'Ah.. Belle. Oo nga pala, si Ronnel. Kaibigan ko.. Ronnel, si Belle naman." pakilala ko sa kanila.

Nag-ngitian lang sila. Pero parang may kakaiba sa kanila.

"Magkakilala na ba kayong dalawa?" tanong ko sa kanila.

"Ah! Oo! Childhood friend ko siya, di ba Belle?" sagot ni Ronnel na parang pinipilit si Belle na sumagot nang Oo.

Hindi na lang ako kumibo at hinayaan ko na lang sila.

"Wait guys! Bibili lang ako nang maiinom natin. Wala ba kayo ipapabili?" sabi ko sa kanila pero dedma na sila.

Pagkaalis ko, napansin ko na nag-uusap ang dalawa. Kaya nga lang, hindi ko naririnig kung anuman ang pinag-uusapan nila. Parang magkakilalang-magkakilala na sila.

Pagbalik ko ay bigla silang tumigil sa pag-uusap.

Ewan ko ba. Parang nakakaloko sila.

"Tara! Kumain na nga lang tayo. Gutom na ako e." sabi ko.

Pinapakiramdaman ko ang kilos nilang dalawa pro hindi ko sila mahuli. Para naman silang magchildhood friend talaga sa nakikita ko kaya di ko na pinapansin ang kaweirdohan nila.

Habang kumakain naman kami ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Belle. Sa kanyang mga magagandang ngiti at mala-anghel na mukha. Bumibilis ang tibok nang puso ko at unti-unti ko na talagang nararamaman na nahuhulog na ako sa kanya..

'Ano naman kaya ang nararamdaman niya para sa akin? Sana gusto niya din ako."

Mga tanong at hiling na pumapasok sa aking isip..

Destini Sa BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon