Chapter 14

73 1 0
                                    

Kinagabihan..

Tinatawagan at tinetext ko si Belle pero kahit isa ay wala siyang nirereplyan at isinasagot. Masyado na akong nagaalala. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin kapag masyado siyang nagdamdam tungkol sa nangyari. Hindi ko maiwasan ang maparanoid.

Talagang malaki ang galit ni Belle sa tunay niyang tatay. Iniisip ko tuloy, baka sinisisi niya ang Mama ko kaya iniwan sila ni Tito Dante. Baka pati sa akin magalit na siya. Napaisip ako kung maipapagpatuloy pa kaya namin ang relasyon na meron kami.

Dahil hindi naman nasagot sa mga tawag ko si Belle ay naisipan ko na si Tito Edgar na lang ang tawagan.

"Hello Tito? Kamusta po si Belle? Pasensya na po kayo sa nangyari sa bahay." sabi ko.

"Oo. Naikwento na sa amin ni Belle ang nangyari. Ayaw niya muna makipag-usap kahit kanino. Masyado siyang nagulat sa mga nangyari." sabi sa akin ni Tito Edgar.

Mukhang dinamdam talaga ni Belle ang nangyari. Nasabi din sa akin ni Tito Edgar na hindi matanggap ni Belle na ako ang anak nang babaeng sinamahan nang kanyang tatay.

Kinabukasan..

Habang nakain kami nang tanghalian ni Tito Dante ay dumating sa bahay si Tita Adel. Nagulat kami sa biglaan niyang pagdating. Seryoso ang kanyang mukha.

"Adel?" sabi ni Tito Dante.

"Tita Adel?" sabi ko din.

"Andito ako para kausapin ka Dante. Ayoko nang magpaliguy-ligoy pa. Matagal ko nang kinilamutan ang nagawa mong pag-iwan sa amin nang anak mo. Pero si Belle, hindi niya pa rin matanggap lalo na't ipinagpalit mo siya sa boyfriend pa niya. At nais ko ding mlaman mo na hindi ako galit sayo, gusto ko lang malaman mo na wala na akong pakialam kung anuman ang buhay mo ngayon. Wag ka na lang magpapakita sa anak ko. At ikaw Nate, hindi ka pa handang harapin ni Belle at mukhang wala na siyang balak magpakita pa sa'yo ulit.." aniya ni Tita Adel.

"Pero po.."

"Sige. Aalis na ako. Pasensya sa abala." sabay alis ni Tita Adel.

Hindi ko maiwasan ang malungkot at maluha. Niyakap na lang ako nang mahigpit ni Tito Dante at pinapagaan ang pakiramdam ko.

Matapos ang mga pangyayaring yun ay wala na akong natatanggap na texts o tawag mula kay Belle. Kapag tinatawagan ko naman siya ay palaging naka-off ang cellphone niya. Mahigit isang buwan na ang nakakalipas simula ang lahat nang nangyari. Unti-unti na akong nawawalan nang pag-asa sa bawat araw na lumilipas. Kaya naman naisipan ko nang pumunta sa bahay nila.

Pagdating ko sa bahay nila ay tila walang tao. Sarado ang lahat pati pinto at mga bintana. Siguro umalis lang sila para magbakasyon.

Buti na lang ay may nakita akong isang matandang babae na nakatira sa tabi nang bahay nila kaya nagtanong ako.

"Ah magandang tanghali po. Napansin niyo po ba kung saan nagpunta yung mga taong nakatira dito sa bahay na 'to?" tanong ko kay Manang.

"Ay naku. Sina Adel at Edgar ba? Kakaalis lang nila nung kamakalawa. Sino ka ba?" tanong sa akin ni Manang.

"Ha?! E saan po sila nagpunta?" tanong ko ulit.

"Sa Amerika. Hindi ka ba nasabihan? Kaanu-ano ka ba nila?" tanong nang matanda.

Natigilan ako at natulala. Hindi ko na pinapakinggan ang sinasabi sa akin nang matanda. Sobrang lungkot ang naramdaman ko. Naglakad ako paalis.. Dahan-dahan habang iniisip si Belle.

Paano na? Ano nang nangyari sa amin? Wala na akong alam. Hindi ko maiwasan ang mapaiyak at malungkot nang sobra sa mga nangyari. Ibinalita ko kay Tito Dante ang nalaman ko. Kahit siya ay nalungkot at kitang-kita ko sa kanya ang pag-aalala sa akin.

Matagal na din simula nang nalaman ko yun. Pero naghintay ako nang mga texts at tawag sa kanya.. Pero kahit isa wala akong natatanggap.

Ipinagkatiwala ko na lang sa Diyos ang mga susunod pang mangyayari..

Destini Sa BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon