Chapter 5

451 6 1
                                    

- 4 -

- Aleine's POV -

" kyaaaaaaaaaaaaah "

Napalingon kaming lahat sa sigaw ni Hevn .. Akala ko kung ano na nangyari sakanya .. Yun pala nakikipag harutan kay Nate ...

Something fishy dito sa dalawang 'to ... Dati rati halos ayaw magtabi .. Aba ngayon ayaw na maghiwalay ...

" Bakit ganyan yang dalawang yan ? " inis na tanong ni Willian ... Nilingon ko siya dahil nagtataka ako sa tanong niya ...

Nagaayos kasi kami ng table na dito sa may buhanginan nakalagay .. Sina Xaione kasama si Daddy , tito Yuric at tito Nathaniel na mag ihaw ... Sina mommy nasa loob ng resthouse nagluluto pa ng ibang pagkain ...

" Hmm .. Kasi magkaibigan sila ? " simpleng sagot ko ...

Nangunot ang noo niya sa sagot ko .. " Alam ko, pero hindi naman ganyan kaclose yang dalawang yan eh .. "

" Kung ano mang meron si Nate at baby Hevn , I think labas na tayo dun .. "

" But she's my sister !! " napataas ng konti ang boses niya .. Buti nalang malayo kami sakanila kaya hindi kami masyadong rinig ...

" Psh !! Sinisigawan mo ko ???? Willian , she's also my baby ... Kung pano mo siya protektahan ganun din ako ... " tinalikuran ko siya ...

Umalis ako dun at iniwan siya ... Tsk ... Kainis !! Dapat ba kong sigawan .. Haizzz ...

" Aleine !!! " tawag niya sakin ...

Bahala ka diyan ... Magdusa ka !

Naglakad ako ng naglakad hanggang makarating ako dito sa may boundary ng resthouse ... May mga malalaking bato kasi dito ... Naalala ko nung mga bata pa kami , dito nangyari yung isang eksena sa buhay ko na ikinagulat ng mga magulang ko ... Dahil at the age of 5 engaged na ko ... At eto rin ang simula ng masaklap na kabanata ng buhay ko ...

*FlashBack* [ Sa flashback na ito naka 3rd person ang POV ha .. kasi mahirap gawan ng POV ang bata eh .. Naalala niya pero mahirap kunin ang isip ng bata .. hehe .. ]

Sa boundary ng resthouse ng Arciaga Family , ay may mga batuhan ... Dito madalas tumambay ang batang sina Chukoy , Aleine , Xaione , Nate at Hevn ...

Naglalaro sila ng marinig nila.ang tawag ng kanilang mga magulang ...

Tumakbong lumapit si Aleine sa daddy niya at nagpakarga ....

" Daddy, Mommy , look oh " sabay pakita niya ng singsing na gawa sa bulaklak ... " I'm engaged "

O___________________________O

Nabigla ang mga mga magulang nila sa sinabi ng batang si Aleine ... Si Chukoy naman ay proud na proud ang pagkakatayo .. At nakangiti sa mga magulang nila ...

" Baby , kanino ka engage ? " tanong ng ina ni Aleine na si Maddie ..

" Kay Chukoy po " nagblush pa siya ng tinuro ang batang si Chukoy ...

" Yes , Mama , Mommy , Daddy , Tito Brent ... I will marry Aleine pag malaki na kami ... Tsaka pag marami ng kong money ibibili ko siya magandang ring .. But for now , boyfriend po muna ha ... "

Nilapitan ng kanyang ina si Chukoy na si Yhallie ... " Chukoy ko , are you sure about that ha ? kasi ang bata mo pa eh , you're still my baby " at niyakap pa siya nito ...

" Yes I know mom , ngayon po baby mo pa ko , pero pag big na ko , dapat payag ka na magpakasal ako ... Puhleasssse "

Nagkatinginan nalang ang kanilang.mga magulang ... At nagngitian ...

My Fragile HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon