Chapter 23

360 4 0
                                        

A/N: pakibasa ang author's note sa dulo ha ... need ko ng 10 votes dito bago ko iupload ang kasunod na dalawang chapter ... happy o sad ending ??? abangan .... alalahanin bipolar si author baka biglang mamatay tong dalawang to dito ... hahahahaha ..

- 23 -

A/N: wala nakapansin sa mga POV nung SOMEONE ??? Hahaha .. Sayang dedic pa man din sana yun ....

- Willian's POV -

" Earth calling Willian Yuric ?!! "

Nilingon ko si Quinnet na iwinawagayway pa ang kamay sa harap ng mukha ko ...

" Ano ngang sinasabi mo ? " tanong ko ...

" Sabi ko maganda ba to ? Bagay to kay baby ... " pinakita niya sakin yung cute na damit para sa baby ...

" Yeah maganda yan , but how can you be sure na babae magiging anak natin ? "

Tama ang basa niyo , buntis si Quinnet ... Kahapon lang namin nalaman ... Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula ng malaman namin ang katotohanan sa biglang pagbabago ni Aleine ...

All this time , she was just trying to protect us ... Me .....

I want to talk to her pero di ko alam kung paano ... Di ko alam paano ko siya lalapitan ... Lalo pa ngayon na maselan ang pagbubuntis ni Quinnet ...

Masyadong maraming nangyari na ako mismo nalilito na ... Nakapag move on na ko diba ... Heto pa at magkaka anak na kami ni Quinnet ...

" Well , nararamdaman ko na girl siya eh ... "

After naming mamili , pumunta kami sa bahay ... Ipapaalam na namin kina Mommy ang tungkol sa pagbubuntis ni Quinnet ...

Pagkaparada ko ng sasakyan , bumaba kami agad at pumasok sa bahay ... Nandun pala ang barkada , dito na kasi muna sina Hevn at Nate para may kasama , malapit na kasi ang kabuwanan ni Hevn ....

Nakita kong masaya ulit ang aura ni Aleine ... She's back , sabi nga nila ... Nawala ba siya ?

Katabi niya sa sofa si Hevn na malaki na ang tiyan ... Si Xav naman kalong niya at hinihimas ang tiyan ni Hevn ...

Sina Xaione at Nate naman naglalaro ng PS3 , nakasalampak sa sahig ...

" Wow , kumpleto pala ang barkada eh ... " sabi ni Quinnet ...

" Oo kumpleto KAMI ... May epal lang ... " sabi ni Hevn ...

Sinaway naman siya ni Aleine ... Tumahimik nalang siya ulit ... Ayaw niya pa rin kasi kay Quinnet , nagalit nga sakin yan nung nalaman niyang kami na ni Quins e ... Hanggang ngayon di pa rin niya ako pinapansin ...

" Oh ! Nandiyan na pala kayo eh .. Eto merienda niyo , kain muna kayo ... " si mommy lumabas galing sa kitchen ... Kasunod niya si Tatay ...

" Hi tita , tito ... " bati niya kay mommy ... " Tamang tama pala at kumpleto tayo ... May sasabihin kasi kami ni Ian eh ... "

Tinignan ako ni mommy at tatay ... Hindi man nila sabihin , alam kong ayaw din naman nila kay Quinnet eh ...

Umupo kami ... Sina Nate at Xaione tumigil na rin sa paglalaro ... Tumabi sila kina Aleine at Nate ...

" Anong sasabihin niyo samin ? " tanong ni Tatay ...

" 'my , tay , buntis po si Quinnet ... " sabi ko ...

Nagulat silang lahat sa sinabi ko ... Halos walang nakapagsalita agad sakanila ...

" Magkakaapo na po kayo ... " masiglang sabi ni Quinnet ...

My Fragile HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon