Chapter 1

11 2 3
                                    

Mollary's POV

"Hi Mollary!"

"Good morning Mollary."

"Ang ganda mo talaga Mollary."

"Hi Miss Beautiful."

Iyan ang kadalasang bumubungad sa akin sa umaga tuwing maglalakad ako papasok sa paaralan. Lahat binabati ako at nginingitian ko naman sila.

I am Mollary Hernandez a grade 12 student. Matalino at consistent honor student. I'm living in a condo unit malapit sa paaralang pinapasukan ko. I'm rich but my family is complicated because my father cheated on my mother pero di naman sila naghiwalay kaya pinaka-ayaw ko yung mga cheater na lalaki na yan. Hello? Kung di niyo na gusto o nauumay na kayo sa girlfriend niyo, pwede niyo naman sabihin diba? Bakit pa kelangang makipagrelasyon sa iba kung may karelasyon kana? Kaya I always reminded myself na wag makipagrelasyon sa ganong klaseng mga lalaki.

"Hi girl! Good morning." bati ng aking dalawang bestfriend sabay beso.

"Hello girls! Good morning." I replied sabay beso rin sa dalwang kaibigan.

They are my two bestfriends, Nathalie Cruz and Roxie Natividad. Nathalie is a kikay girl, siya yung pinamaarte sa katawan at fashionista sa aming tatlo. Palaging nagreretouch yan, palaging fresh. Si Roxie naman yung pinakatahimik at mahiyain sa aming tatlo kung di mo kakausapin hindi rin to kikibo, NBSB to pero kung makapag-advice kala mo may experience. Matalino rin to pero syempre mas matalino ako.

"Nagbreakfast na kayo?" , tanong ni Nathalie samin.

"Ako hindi pa" , sagot ko naman.

"Tara cafeteria muna tayo, maaga pa naman ehh", yaya ni Nathalie samin at sumunod naman kami ni Roxie.

Kunti palang ang studyante sa cafeteria kasii maaga pa kaya madali lang kaming nakaorder at nakahanap ng table.

Habang kumakain kaming tatlo, biglang pumasok ang tatlong gwapong lalaki sa shool namin at isa na doon si Draven Salazar ang pinakagwapo sa kanilang tatlo at ang crush ko. Kasama niya ang kanyang dalawang kaibigan na sina Ralph Flores at Alexis Torres. Senior High rin sila pero ibang section kasi iba yung strand na kinuha nila.

"Uy girl ! Wag mo masyadong titigan segi ka baka matunaw yan." tukso ni Nathalie sakin sabay kalabit sakin.

"Laway mo girl tumutulo na." sabi naman ni Roxie sabay tawa.

"Alam niyo panira kayo ehh, minsan ko na nga lang matitigan ehh." sagot ko sabay irap sa kanila.

Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa room namin at nakinig sa walang tigil na leksyon ng mga guro pero syempre nag-lunch break naman kami nakakagutom kaya makinig.

Hapon na at syempre uwian na. Nagpaalam ako sa aking dalawang kaibigan na uuwi na at pumuntang parking lot para kunin ang sasakyan ko at nagdrive pauwi.

Papalabas naku sa elevator ng makita ko si Draven at napamura sa aking nakita.

"Shit. Bakit siya pumasok sa katabing unit? Don't tell me magkapitbahay kami dito?" di makapaniwalang sambit ko.

Crush Thy Neighbor (On-going)Where stories live. Discover now