Chapter 4

3 1 0
                                    

Mollary's POV

Today is Saturday. I just woke up and its still six in the morning that's why I decided to go to the gym. I wore my adiddas sport bra at ang kapartner nitong leggings, i also wear my adiddas black shoes hindi po ito sponsor ng adiddas ha, mahilig lang talaga ako sa adiddas. Hindi ako yung babaeng mahilig sa designer brands pero may ganon rin naman akong mga gamit pero kunti lang. I get my wallet, phone, gym bag, keys and went down.

Hindi pa masyadong marami ang tao sa gym pagdating ko. Naglakad ako papunta sa threadmill at napapalingon sakin yung ibang lalaki. May bumabati pa nga saakin na nginingitian ko naman. Well, hindi na yun bago saakin kasi para nga naman akong model kahit seventeen palang ako.

Kakatapos ko lang mag-exercise at magshower dito sa gym. Kinuha ko na ang gym bag ko at naglakad palabas para umuwi.

--- - -
Nandito ako ngayon sa kwarto nakahiga habang nagkakalikot ng cellphone. Kakatapos ko lang magbreakfast nang nagtext sakin si Nathalie at nagyayang magmall. I replied and decided to take a nap. It's eight in the morning pa lang naman at ang usapan namin ay ten para doon nalang rin maglunch.

Nine-thirty na at kakagising ko lang. Sakto lang naman sakin ang thirty minutes to prepare kasi hindi naman ako matagal mag-ayos. Papunta na akong parking ng magtext sakin si Nathalie na malapit na daw siya sa mall. Si Roxie naman ay on the way na himala at sumama yon ehh.

"Hi girls !" bati ko sa dalawa sabay beso nang makalapit ako sa kanil.

"Hello girl." sagot naman ng dalawa.

"Himala ata at sumama ka beh?" tanong ko kay Roxie.

"Ano pa ba bang magagawa ko ehh wala akong magawa sa bahay." buntong hiningang sagot naman niya.

"Arat na girls maglibot na tayo." anyaya ni Nathalie.

Nang magtanghali na kumain muna kami sa isang Italian restaurant bago naglibot ulit at namili.

"Uy Mollary girl, ano na? Napansin kana ba ni Draven?" pang-uusisa sakin ni Nathalie habang namimili kami ng damit dito sa H&M.

"Anong napansin? Kahit ata maghintay ako magdamag sa kanya wala akong Draven na makikita." inis na sagot ko.

"Baka nakakahalata na teh kaya siguro nagtatago sayo." natatawang sagot ni Roxie.

Malapit ng magdilim nang mapagpasyahan naming umuwi. Habang naglalakad ako papasok sa lobby nakita ko si Draven na naghihintay sa may elevator.

Dali-dali akong naglakad palapit kay Draven pero isang metro nalang ata agwat namin nang makapasok na siya at nagsara ang elevator.

Crush Thy Neighbor (On-going)Where stories live. Discover now