Chapter 7

1 1 0
                                    

Draven's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang school total malapit lang naman dahil tinatamad akung magdrive at para exercise narin. Gusto ko rin kasii makalanghap ng fresh air kahit alam kung hindi naman na fresh yung air dito sa Manila pero atleast hindi galing sa aircon lang. Maaga pa naman kaya dahan dahan lang akong naglakad habang tumitingin sa paligid. Himala ata at hindi naghintay yung babaeng yun sa lobby. Alam kong curious kayo kung pano ko nakilala si Mollary kaya ito ikekwento ko sa inyo kaya basahin niyong mabuti at minsan lang ako magdaldal.

*Flashback*

Naglalakad kaming tatlo ng kaibigan ko papasok sa cafeteria para magbreakfast. Nagsimula nang magbulungan at nagtawag ng pangalan namin ang mga babae kasi di naman mapagkaila na gwapo kami. Diritso lang akong naglakad nang hindi pinapansin ang mga babae habang ang dalawa namang kupal ay panay kaway at ngiti na akala mo ay tatakbo sa isang eleksyon.

Pagkatapos naming umorder at makahanap ng mauupuan nagsimula na kaming kumain.

"Uy Draven pare, nakita mo titig ni Mollary sayo?" tanong ni Ralph habang umiinom ng juice.

"Ha? Mollary? Sino ba yun?" tanong ko naman pabalik. Malay ko ba kung sino yang Mollary na yan.

"Shit pare di mo kilala yun? Siya yung magandang babae sa ABM, yung parang anghel sikat nga yun dito ehh. Lahat nga ata ng lalaki may gusto sa kanya ehh." sagot niya.

"Ahh. Okay. Oh tapos ano naman kung tinitigan niya ako? Lahat naman ata ng babae tinitigan ako." walang ganang sagot ko.

"Ay alam mo pala yun pre? Kala ko di mo alam na lahat ng babae tinitinggan ka at gusto ka nga ata eh." natatawang sabi niya.

"Anong akala mo sa akin walang mata? May mata ako pre wala lang talaga akong pake sa kanila." sabi ko habang umiinom ng tubig.

"Pero pre si Mollary yun ehh, hindi yun basta basta tumititig sa mga lalaki, mga lalaki tumititig sa kanya. Gusto ka ata nun ehh." sabat naman ni Alexis.

"Ay oo nga pare. Narinig ko sa kaibigan niya na crush ka raw nun. Iba talaga karisma mo pare. Sana all. HAHA." sabi naman ni Ralph.

"Ahh okay. As if naman may pake ako. Tsk!" sabi ko habang nagpupunas ng bibig kasi tapos na ako kumain.

Nang hapon ding iyon tinuro nila sakin si Mollary at oo nga maganda nga siya. Pagkapasok ko sa lobby ng building na tinitirhan ko, dun ko siya nakita at nalaman na magkapitbahay pala kami.

Simula nung nalaman kong magkapitbahay pala kami at may gusto siya saakin alam kung ako yung hinihintay niya sa lobby oo alam ko feeler ako ehh. HAHA di seryoso nakita kasi siya nila Ralph at Alexis dun sa may lobby at mukhang may hinihintay pero ng makita niya ang dalawang kupal umalis agad siya. Kaya tuwing makikita ko siya sa lobby sa fire exit ako dumadaan para di niya ako makita kasi alam kung magpapansin lang iyon and I find it creepy.

*end of flashback*

Nang makapasok ako sa room bumungad agad sakin ang pagmumukha ng dalawang kupal.

"Oh pare tagal mo ata?" bungad na sabi sakin ni Ralph.

"Naghintay na naman ba si Mollary sayo? O kumatok na naman ba ulit sa unit mo?" natatawang tanong sakin ni Alexis.

"Tanga. Walang Mollary na naghintay sakin o kumatok man sa unit ko. Naglakad kasi ako papunta dito kaya natagalan ako, tinatamad ako magdrive." sagot ko at naupo.

"Oh himala ata at hindi yun naghintay ah." sabi ni Ralph.

"Ewan. Napagod na ata, mabuti naman kasi wala akong balak na harapin siya." sambit ko sabay yuko sa upuan para matulog.

Crush Thy Neighbor (On-going)Where stories live. Discover now