Chapter 10

1 1 0
                                    

Mollary's POV

Today is Saturday and it's currently nine-fifteen in the morning. I decided to go to grocery since pang-isang araw nalang talaga ang natirang stock ko dito. I only wear a loose plain white shirt partnered with denim short and a white nike shoes, nagtuck-in ako since malaki yung shirt tas sinuot ang aking gucci black belt, light make-up at nilugay ko nalang ang buhok kasi tinatamad ako magstyle i-ponytail ko nalang to mamaya kung pagpawisan man ako. I grab my purse and keys then I went down.

While i'm busy picking some noodles, I saw Draven looking on the meat section. Gusto ko sana siyang lapitan kaso di ko nalang tinuloy at inignora nalang siya at nagpatuloy sa pamimili.

Naglalakad ako ngayon papunta sa parking para ihatid muna itong grocery stoks ko, dala-dala ko ang aking mga mabibigat na pinamili sa magkabilang kamay. Binibilisan ko ang aking lakad kasi malapit nang bumigay ang aking mga kamay kaya di ko na tinitinggnan masyado ang dinadaan ko ng biglang may nabunggo ako at kinagulat ko kung sino yung tao na yun.

"Ouch." sabi ko habang muntik ng matumba at nabitawan ang mga dala-dala ko.

"Hala! Sorry miss. Di ko sinasadya nagmamadali rin kasi ako eh." sabi ng taong nakabunggo sakin habang pinupulot ang aking dala. Wait! Familiar tong boses na to ehh kaya tininggnan ko kung sino yung nakabangga at nagulat ako nang si Draven ito.

"Draven?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Oh your Mollary right?" he asked me back while holding my grocery bags. "The girl in the lobby?" dugtong niya pa.

Shit naalala niya ako.

"Uhmm yes." i replied habang nag-aalinlangan na ngumiti.

"I'm sorry. I didn't see you coming, nagmamadali rin kasi ako." he apologize.

"No it's okay. I'm also sorry, I didn't watch my way." I apologize too. "Uhmm, thank you for picking up my bags. Can I get it?" i asked.

" San ka ba papunta? I can bring these, it's heavy." alok na sabi niya.

Nagulat ako sa biglaang alok niya. Di ko kasi inexpect na ganto pala siya.

"Uhmm wag na. Nakakahiya naman, diyan lang naman ako sa parking tsaka kaya ko naman buhatin." tanggi na sagot ko kahit sa kaloob-looban ay gusto ko naman.

"Are you sure?" he asked and I nodded kaya inabot niya sakin ang dalawang bags pero muntik na naman itong malaglag ulit dahil ang sakit na talaga ng kamay ko at parang bumibigay na dahil sa bigat. "Sabi mo kaya mo, yun pala hindi ehh. Akin na kasi iyan at ihahatid ko na." tuksong sabi niya sakin habang pinipigilan ang tawa.

"Oo na. As if naman may magagawa ako eh hindi na kaya ng mga kamay ko ang bigat." suko na sabi ko. "Uhm let's go?" aya ko sa kanya at tumango naman siya kaya nagsimula na akong maglakad at sumabay naman siya kaya biglang naghurumentado ang puso ko kasi para kaming magjowa tingnan. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang kilig.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makaabot sa kami sa harap ng sasakyan kaya dali dali ko namang binuksan at nilagay niya naman ang mga bags sa loob.

"Uhmm thank you pala. Naabala pa tuloy kita." nakangiting sabi ko sa kanya.

"No its okay. Di naman ganun ka-importante pupuntahan ko." nakangiting sagot naman niya at girl lalo siyang gumwapo. Ang perfect ng smile nakakalaglag panty.

"So, una na ako? Thank you ulit. Ingat ka." paalam ko.

"Your welcome. You too take care. Drive safely Mollary. See you around !" he replied habang di parin naalis ang ngiti niya.

"Segii. See you!" kinikilig na sagot ko saka pumasok sa kotse ko kasi di ko na kaya ang nangyayari baka atakehin nako nito sa puso.

Nakangiti akong nagdrive pauwi at papasok sa building kaya di ko man lang naramdaman ang bigat ng aking dala. Sabi niya "see you around" daw kaya may next time pa. Shit. Di ko na ata kailangan magpapansin sa kanya kasi papansinin niya na ako mismo.

Natulog akong may ngiti sa labi ng gabing iyon na parang panaginip ang lahat. Ito na ata pinakamasayang araw sa buhay ko.

Crush Thy Neighbor (On-going)Where stories live. Discover now