Chapter 2

6 1 0
                                    

Mollary's POV

Kinabukasan yun parin ang laman ng isip ko habang nagmamaneho papunta sa paaralan. Di ako makapaniwalang kapitbahay ko lang yung crush ko at magkatabi pa kami ng unit. Kinikilig ako tuwing iniisip na mas madalas ko siyang makita at baka magkasabay kami sa elevator.

"Hoy mga babae!" sigaw ko kina Nathalie at Roxie habang nagmamadaling lumapit sa kanila.

"Ang aga pa girl, ang laki na ng bubunganga mo diyan" , sagot sakin ni Roxie.

"Ano bang sinisigaw mo diyan ha? Hindi naman kami bingi duh?" pagtataray naman sakin ni Nathalie.

"Girls alam niyo ba magkatabi kami ng condo unit ni Draven,magkapitbahay kami girl. Madalas ko na siyang makikita" , kinikilig na sabi ko sa kanila sabay hampas kay Nathalie.

"Talaga ba? Ang swerte mo girl isipin mo yun kapitbahay mo yung crush mo edi araw-araw kang inspired" , sabi ni Nathalie.

"Sinabi mo pa" , sagot ko naman sabay ayos ng upo dahil andiyan na yung teacher sa first subject namin.

Lunch break na ngayon at kasalukuyan kaming tatlo kumakain sa cafeteria ng lunch habang pinag-uusapan parin ang pagiging magkapitbahay namin ni Draven.

"Alam niya kaya na magkapitbahay kami?" I asked them while sipping on my mango shake.

"I don't know. Mukha ba yung may pakialam sa paligid niya?" , Nathalie answered me while eating her cake.

"True. Di mo nga sure kung alam nun na nag-eexist ka sa earth. Wala ata yung pakialam maliban dun sa dalawang kaibigan niya." dagdag naman na sabi ni Roxie habang umiinom ng buko juice.

"Sabagay tama nga kayo," buntong hiningang sabi ko. "Pero bahala na atleast ako alam ko. Magpapapansin nalang ako sa kanya tutal magkapitbahay naman kami." dugtong na sabi ko.

Uwian na at nagmamadali akong nagligpit ng gamit para umuwi agad.

"Girls una na ako ahh, alam niyo naman," nakangiting paalam ko sa dalawa. "Ingat kayo pauwi. Bye!" sabi ko pa sabay beso sa kanila.

"Segii girl. Ingat ka rin." sagot naman nila at bumeso rin pabalik.

Mabilis akong naglakad papuntang parking lot at nagdrive pauwi. Nag-ayos muna ako ng sarili at nagretouch ng make-up bago bumaba sa sasakyan para maghintay at abangan si Draven at makisabay sa kanya sa elevator.

Crush Thy Neighbor (On-going)Where stories live. Discover now