Chapter 27

6 1 0
                                    

John POV.

2 days bago mag exam sila merlyn ay nagising na ako. Kaso hindi pa daw ako pwede lumabas kasi mamaya may mangyari sa akin kaya sa hospital muna ako. Kada pupunta sya sa hospital ay nag tutulog tulugan ako at pag naka tulog na sya doon ako mag re-review oo nag review ako kaya mataas ang nakuha ko. Kada pupunta sya ng hospital ay parang lagi syang walang tulog. Naawa ako sa kanya dahil siguro kung wala ako dito sa higaan na toh ay makakatulog sya ng maayos at makakapag aral ng maayos.

Araw ng exam noon at dumalaw sya sa akin kinagabihan. Binantayan nya lang ako at kung ano ano pang ginawa nya. Kinabukasan ay dumalaw sya kasama sila roxane akin. Malungkot sya pilit syang pinapatawa ni drey kung hindi ngalang ako nag papanggap ay siguro kanina pa ako humahalakhak. Nang umuwi na ang dalawa ay umupo sya sa tabi ko at doon umiyak ng umiyak palaging lumalabas sa bibig nya na bagsak sya tapos lagot sya sa magulang nya. Nang maka tulog na sya sa sobrang iyak ay tinakloban ko sya ng kumot at hinimas ang kanyang buhok.

Kina umagahan ay maaga akong nagising para bumili ng pag kain. Pag balik ko sa kwarto ay gising na si merlyn at mukang hinahanap ako. Nagulat ako nung yakapin nya ako at umiyak.  Binaba ko muna yung pag kain na hawak ko at niyakap sya pabalik.

"Buti gising kana hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ka pa gising." sabi nya habang umiiyak.

Inaya ko syang kumain at pumayag naman sya dahil gutom na sya. Nag kwento sya kung ano ang mga nangyayari. Sinabi nya din na patay na daw si irene pero tumango lang ako. Sigurado ako na hindi pa sya patay.

Naka gawa na sila ng butas at pinaunang papasukin ni drey si merlyn tapos ako naman kaso tinatanggihan ko sya. Sinabi ko na iwanan nalang nila ako kaso hindi nya ako hinayaan maiwan doon at binuhat nya ako at pinapasok sa butas. Nang maka labas na kami ay bago pa sumabog yung bomba ay may nakita akong isang babae na tumatakbo papunta sa gubat dahil nga ang likod ng bahay ay gubat papunta sya doon at may sugat sa paa . Mukang natamaan yun ng bala. Hindi yun nakita nila merlyn dahil padapa sila na bumagsak sa lupa at ako ay pahiga kaya nikita ko sya. Alam kong may plano sya kaya sya tumakas pero yun ang hindi ko alam pero mag hahanda ako at pro-protektahan ko ang mga kaibigan ko.

Yun ang nangyari ng makita ko sya papunta sa gubat. Hindi ko lang alam kung bakit may burol sya yun kasi ang sabi ni merlyn. Pero may kutob ako na may pasabog yan si irene yan ang aabangan ko.

Sinabi ko sa teacher nya na mag take ulit kami ng exam pero pumayag naman sya pero ibang exam ang binigay sa amin ni merlyn.

Masaya ako na pumasa kaming pereho. Masaya ako na makita ko syang masaya.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Bumangon ako at pumunta ng CR para maligo at mag ayos.

Pag tapos kong mag ayos ay kinuha ko na yung susi ng kotse ko at pumasok na ng school.

Gusto ko nang bumili ng bagong kotse kaso wala pa akong pera kaya sa susunod nalang.

Naka dating na ako ng school at ganon pa din at walang oinag bago pinag titinginan ako at pinag bubulungan.

May nakita akong di kaaya aya kaya kumunot ang noo ko bakit nandito pa tong gagong toh.

"Oh bakit gulat na gulat?" Naka ngising tanong nya. Gago toh ahh sinisimulan nanaman ako.

"Hindi ako nagulat. Nga pala Congrats dahil hindi ka na kickout hahha." Tumatawang sabi ko. Aamba sana sya ng suntok kaso pinigilan lang sya ng kasama nya.

"Oh pre wag ka nang pumatol mamaya tuluyan ka ng ma kickout." Pag awat nung kasama nya. Kumalma na sya kaya iinisin ko ulit sya.

"Nabalitaan ko patay na daw girlfriend mo." Nag panggap akong malungkot pero sa loob loob ko ay naka ngisi ako. Yung muka nya nalungkot tapos umiyak na hahahhaha iyakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend Is Ugly Girl (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon