Chapter 24 Fake friends.

229 7 5
                                    

Hi guys ito na yung update.

John POV.

Sa sobrang inis ko ay pabalibag kong sinara yung pinto ng canteen.

Hayst naiinis parin ako bakit kasi ganon si dan napaka play boy hayst.

Pumunta akong rooftop para maka langhap ng sariwang hanggin ng may makita akong lalake na naka upo sa upuan at mukang may iniinom.

Nilapitan ko sya at namukaan ko sya.

"Drey bakit nandito ka?" Tanong ko.

"Gusto ko lang makalimutan sya kahit saglit." Sagot nya at napansin ko yung iniinom nya ay beer . Pano nya kaya napasok dito sa school yung beer nyang dala.

"Oh gusto mo." Alok nya. At andami nyang dala ha grabe ginawa nyang bar yung school.

"Sure." Kinuha ko yung beer at sumandal sa harang ng rooftop habang tinitignan ang magandang tanawin.

"Hindi ko lubos mawari na ipagpapalit nya ako sa lalaking yun." Seryoso nyang sabi habang unti unti nyang pinipipi ang can bottle ng beer. Oo ganyan din nararamdaman ko ngayon naiinis ako kahit na mag kaibigan kami ni irene ayoko ko kasing masaktan sya sa huli.

Si merlyn pala pina bili ko ng ice cream para naman gumaan loob ko at sinabi ko na rin na nandito ako sa rooftop.

"Napaka gago ni dan para agawin sa akin si irene." Galit nyang sabi.

"Alam mo kasi ganto yan si irene parang bola tapos kayong dalawa ni dan ay mag kalaban nung hawak mo na yung bola hindi mo sya hinawakan ng maayos kaya mabilis syang naagaw ni dan tapos ang gagawin nya sa bola ay pag lalaruan nya yun hanggang mag sawa sya tapos ipapasa nya sayo tapos yun na parang pinag laruan nya lang si irene saglit tapos balik ulit sayo ganon lang yun. Ahh basta kung hindi mo naintindihan samadaling salita naging laruan lang sya ni dan." Paliwanag ko.

"Yun na nag ehh ewan ko ba kung ano ang nagustuhan ni irene kay dan at pinatulan nya ito." Naiinis na sabi ni drey.

"Baka inakit nya si irene." Sabi ko at uminom ng beer.

"Baka nga. Ang tanga ko kasi bakit kasi inaway ko pa sya kaya pero kasi mali din sya ehh kitang may boyfriend na sya lumalandi pa sya sa iba."

Bumukas yung pintuan ng rooftop at pumasok si merlyn.

"Oh drey nandito ka pala oh john eto na yung pinabili mo." Sabi nya sabay bigay sa akin ng osang supot ng ice cream.

"Oh drey gusto mo?" Alok ko sa kanya.

"Yes." Sagot nya binigay ko sanya yung isang ice cream. Madaming binili si merlyn kasi isang libo ang binigay kong pera sa kanya at ang sabi ko ubusin nya yun sa ice cream kaya mga lagpas sampo itong ice cream.

"Ako hindi mo ako bibigyan?" *Pout* Hahaha ang cute.

"Hahaha oh eto ang cute mo." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Nah hindi ako cute ikaw ang cute." Sabi nya at sabay pisil ng pisngi ko.

"Ahhh pag yan naka pasa yari ka sakin." Hmm pag yan lang talaga nag ka pasa.

"Grabe ka naman pasa agad." Sabi nya.

"Oo bakit." Kinuha ko yung dalawa ice cream yung isa binuksan ko yung isa naman nilagay ko sa pisngi ko para hindi mag ka pasa.

"Sige na guys uuwi na ako may pupuntahan pa ako ehh." Paalam ni drey.

"Sige sige." sabi ko.

"Bye ingat ka ha." Sabi ni merlyn.

My Bestfriend Is Ugly Girl (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon