Chapter 26

21 1 1
                                    

Merlyn POV.

Nagising ako dahil sa liwanag na nanggaling sa bintana ko.

Tinignan ko yung unan at basang basa parin sya. Dadalawin ko muna si John bago ako pumasok ng school.

Pag dating ko sa hospital ay mama nya lang ang nandoon.

"Oh iha bakit ang aga mo naman?" Tanong nya . Naawa ako sa magulang ni john.

"Umm dinalaw ko lang po sya saglit tapos papasok na ako." Sabi ko.

"Umm sige." Bumalik ulit sya sa pag hawak ng kamay ni john at panagdadasal ata nya na magising na ang kanyang anak.

"Sige po alis na ako." Paalam ko.

"Sige ingat ka iha." Sabi nya. Tumango lang ako at umalis na.

Nakakawalang gana pumasok parang gusto ko bantayan ko sya buong araw. Pupunta pa pala ako sa lamay ni irene. Hindi ko parin maisip na wala na sya.

Pumasok akong walang gana hindi ako nakinig sa mga lesson at naka tulala lang.

Dumating na yung break time at pupunta na sana ako sa canteen ng tawagin ako ng isa naming teacher .

"Maam bakit po?" Magalang na tanong ko.

"Mukang may problema ka ha. Kanina sa klase ko naka tulala ka lang at mukang namamaga pa yang mata, tapos namumutla ka pa. Ano bang nangyayari sayo? Wag mong pabayaan ang sarili mo at pag aaral mo." Payo ni maam. Sana ganyan din si mama kaso wala ehhh kung kelan kailangan ko sya wala sya. Napa iyak nalang ako sa harapan ni maam.

"Sorry po maam stress lang po ako." Paliwanag ko. Hindi ko sinabi ang totoo dahil ayoko ko nang madamay pa sila sa problema ko.

"Ok take a rest para hindi ka mamutla." Tumango lang ako sa sinabi ni maam at pumunta ng canteen.

Kaunti lang ang binili ko isang sandwitch, juice at apple lang wala akong gana kumain.

Kinuha ko ang cellphone ko at bubuksan ko na sana yun para mag text kay drey na samahan ako ng makita ko ang replection ng muka ko sa cellphone. Maputla, Namamaga ang mata, Magulo ang buhok para akong zombie.

Hindi ko nalang tinawagan si drey ayoko syang maistorbo.

Madami pa akong hahabulin na mga paper dahil na late ako dahil nga sa nangyayari sa amin ni john nitong mga nakaraang araw.

Hindi na ako pumasok sa last subject at agad kong tinawagan si roxane at drey para samahan ako sa burol ni irene. Umuwi muna ako para mag palit ng damit.

Nag kita kita kami sa park malapit sa pinag buburulan ni irene. Dapak parang hindi ko kaya pumasok.

Nang maka dating sila ay pumasok na kami. Pinag titiniginan kami. Naiiyak ako girl.

Pinikit ko nalang ang mata ko at umiyak.

"Irene bakit mo kami iniwan." Sabi ko habang naka pikit ang mata. Ayoko syang makita dahil para sa akin buhay pa sya.

"Bak-"

"Irene kahit naiinis ako sayo, mahal parin kita bilang kaibigan." Umiiyak na sabi ko.

"Be-"

"Irene patawarin mo kami sa nagawa namin." Umiiyak pa rin ako ayoko hindi ko na kaya.

"Miss sino po kayo?" Napa dilat ako ng may mag tanong.

"Kaibigan po kami ng namatay." Sagot ko. Bakit may pinag samahan naman kami ahh kaya kaibigan ang harsh naman kung mag kaklase diba.

"Umm miss wala pong kaibigan na bata yung papa ko." Napa kunot ang noo ko at napa tingin sa kabaong. My gad! Iba palang libingan toh nakakahiya.

My Bestfriend Is Ugly Girl (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon