20 | Bishop vs. Rook

69 54 0
                                    

Mae

Ngayon ay sabado.

Inutos ni Claudine na pumasok ang lahat ng estudyante. Tinipon niya kami sa dating chapel. Naroon rin ang iilan lang na pumasok, siguro hindi na nag-laan pa ang ibang estudyante ng oras para rito.

Nag-sindi at nag-alay kami ng mga kandila at bulaklak sa mga pumanaw na naming kamag-aral.

Nakalista doon ang mga pangalan ng mga patay na estudyante. Simula sa second year hanggang fourth year. Almost twenty na rin sila.

Nalulungkot ako lalo pa't ang ilan sa kanila ay naging close ko na.

Rest In Peace, Hayers.

Pag-tapos no'n ay nag-pasya akong magpaiwan na lang muna.

Ang karamihan ay nauwi na.

Pag-pasok ko sa office namin ay sinet-up ko agad ang tablet at ang isa sa mga PC.

Inayos ko ng maayos ang mga papel na nakakalat, at dinagdag ang mga datang bagong kalap.

Sa Team namin ay may siyam na myembro. Ako, si Ranz, Jeff, Leo, JR, Rafael, Mia, Gerald at Gab. Tatlo ang wala na which is si Mia, Rafael, at Gerald.

By the way, nakita na pala kahapon ang bangkay ni Gerald. Sa isang locker sa gym nakita ang katawan niya, inaagnas at inuuod. Kaya pala mabaho na daw sa gym, kahit anong linis.

Kawawa naman siya. Bale anim na lang kami ngayon.

Hindi ako maka-move on sa pagpakamatay ni Mia. Wala siyang kasalanan alam ko, or meron nga ba? May hindi pa ba ako nalalaman tungkol sa kanila?

Nang sinugod ko si Leo kung bakit hindi niya sinabi kay Claudine ang totoo ay nag-iba ang itsura niya– parang nag-tataka siya. Kaya nga ay hindi ko muna pinapansin si Leo, dahil sa buo na ang hinala kong isa siya sa killer.

Isang vibration ang ginawa ng tablet ko, tanda na may mga notification.

'White Turn', ang screen agad ng Orion's chess ang bumungad sa akin.

Tinitigan ko ang screen at inaral ang pwesto ng opponents. Okay naman at walang pyesang nasa delik–

Mariin kong hinawakan ang tablet, kasabay ng pag-bilis ng tibok ng puso ko.

"Jusko."

Ang knight na may pangalan ko ay nakahilera sa isang white rook. Turn na nila kaya, sigurado akong– ako ang next na mai-eliminate.

Tumayo ako, at nag-hagilap ng maaring iself-defense. Alam kong mamaya ay nariyan na sila o kung sino man ang nilalang na naka-pangalan sa opponents na iyon.

Ngunit napatigil, nang may mabibilis at malalakas na katok akong narinig mula sa pintuan.

Pinahid ko ang namumuong luha sa mga mata ko, at hinalungkat ang bag ko. Walang pasok ngayon, kaya't wala akong ballpen na dala.

Bakit ngayon pa?

"Mae, ang tagal mo namang buksan."

"S-sino iyan?"

Kahit kabado ay hinalungkat ko pa rin ang bag ko, at nakita ang nag-iisang ballpen doon.

Tumawa ang taong nasa labas, "Papasukin mo na lang ako."

Teka– Ang tawang iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang tawa ng hayop na lalaking iyon.

Si Keen.

Tinignan ko ang hawak na ballpen. Blessing ngayon ang ballpen na ito na binigay ni Leo, noon.

Tinanggal ko ang takip at nagulat, isang manipis at matulis na blade ang nakita ko, instead na panulat.

Lalong tumaas ang alangan ko kay Leo. Kakaiba talaga siya, pati ang mga gamit niya.

"Ano, Mae? Matagal pa ba?"

Lumapit ako sa pinto at hinawakan ang door knob. Nasa likod ko ang ballpen, handang ipanaksak kung kinakailangan.

Bakit ba ako na lang lagi? Mas mahirap pang mabuhay ng puro takot kaysa sa isahang patayan lang.

Huminga ako ng malalim, ngunit bago ko mabuksan ay isang kalabog ang narinig ko, mula sa labas.

"Mae, huwag mong buksan! Diyan ka lang sa loob!"

Ha? Anong nang-yayari? Anong gagawin ko?

"Sino ka?" tanong ko, ngunit walang sumagot sa akin.

Higit sa dalawang minuto bago tuluyang nawala ang ingay sa labas. Okay na kayang buksan?

Tumunog muli ang tablet ko. Agad ko itong nilapitan.

Ang white rook ay may one block space bago ang knight na nakapangalan sa akin. Isang black bishop ang gumalaw at nag-turn diagonally, upang makalapit sa white rook– na si Keen.

Then, next na tumira ay ang isang white rook ulit, si Perfidious.

"No– hindi..." paos kong bulong.

Nakain ang black bishop na iyon. I feel like it saves me. Sinave ako ng black bishop na iyon. At siya ang na-eliminate, na dapat ako.

Tuloy-tuloy sa pag-tulo ang mga luha ko, at umiiling na sumalampak sa sahig.

"Sorry– sorry talaga..."

Napunta sa gilid ang black bishop na may ekis na, at lumabas ang pangalan nito.

Tila gusto kong mag-wala sa nabasang pangalan. Mas lalo pa akong humagulgol sa nalaman.

Hindi! It can't be!







The bishop who has save me was... Leo.

In Loving Memory of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon