25 | The real Acid

67 48 1
                                    

Aki

Maya-maya ay tumigil ako. Nakatayo na sya ngayon sa harapan ko. Tama ang hinala at kutob ko.

Si Acid at Trixie ay iisa.

"Aki, ano n–?"

"Ikaw si Acid?"

Marahan syang tumango at tila hindi alam kung saan titingin. Hindi nya ba ako nakikita?

"T-trixie, tulungan mo akong itaas 'tong lamesa."

Naging aligaga sya. Inabot ko ang kamay nya, na nag-patigil sa kanya. Ipinunta ko iyon sa lamesa. Naintindihan nya naman ata, kaya malakas nya yung tinulak.

Nailayo nya ang lamesa, ngunit bago sya makatayo ay nakita ko nang mahuhulog ang flourescent sa kanya. Mabilis ko syang nilayo dun.

Nakaramdam ako ng hapdi sa braso, pero hindi ko na yun inisip pa. Malapit nang gumuho ito, at kailangan na namin makaalis kagad.

"T-teka, ayos ka lang. May nahulog ah, hindi ka–"

"Ayos lang."

Pasimple akong ngumiti. Ngunit wala na kaming oras pa. Lumapit ako kay Nikka at binuhat na sya.

"Sumunod ka na lang," tukoy ko kay Trixie.

Tinakbo ko ang mga madilim at mabatong daan, halos madapa pa nga ako. Nang makalabas ako ay agad kong nilapag si Nikka. Tumingin ako sa likod para kumustahin si Trixie, pero wala sya.

Isang malakas na kalabog ang narinig ko sa loob ng bodega.

"Trixie?!"

Muli akong pumasok sa loob. Mas grabe na ang itsura nito kaysa sa kanina.

"Nasan ka, Trixie? Bakit hindi ka sumunod?!"

Hindi sya sumasagot. Binalot ako ng kaba. Agad kong hinalughog ang kwarto, para lang makita sya na nakaupo. Ang ulo nya ay nakabaon sa gitna ng mga tuhod nya.

"Trixie, bakit hindi ka sumunod?"

Kahit pa delikado sa lugar na ito, ay pinili kong tumabi muna sa kanya.

"Hindi ko kayo makita. Sobrang dilim, iwan mo na lang ako. Iligtas mo ang sarili mo. Alis na."

Bulag sa kadiliman. Kaya pala parang kung saan-saan sya nakatingin kanina, ni hindi sya makatingin sa akin.

"Nandito na ako." Inabot ko ang kamay nya.

Itinaas nya ang ulo nya. Hindi ako makapaniwala na ang babaeng 'to ay iiyak dahil sa takot. Ang isang bully at brat ay pumunta sa bodega na ito para lang iligtas kami, kahit pa alam nyang bulag sya sa dilim.

She is ready to save my life, knowing that she is one of the killer.

"Tara na."

Mas lalo magiging delikado kung mag-tatagal pa kami dito. Kaya, binuhat ko na lang sya. Nagulat man ay kumapit na lang sya sa leeg ko at pumikit.

Pag-labas namin ay saktong bumigay na ang bodega.

"Ayos na ako, pwede mo na akong ibaba."

Oo nga pala. Dahan-dahan ko syang binaba. Bigla syang tumungo.

Inayos ko ang magulo nyang buhok, at pinunasan ang madungis nyang braso at pisngi, gamit ang panyo ko.

"May sugat ka." Malalim ang sugat na yun, at patuloy ang pag-dugo.

"Wala 'to, sanay na ako."

"Kahit pa, hindi porket ikaw si Acid ay hindi ka tatablan ng tetano. Tara sa clinic."

In Loving Memory of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon