28 | Mastermind

54 45 0
                                    

Third Person

Alas-nuebe na ng gabi.

Isa-isa silang nag-sibabaan ng mga kotse nila, ang ilan ay naka-motorsiklo lamang.

Pawang mga mataas na opisyal at mga VIP kung sila ay lumakad. Wala silang ibang dala kung hindi ang kapal ng loob, at ang masamang personalidad.

Eve's Garden

Doon nila napili na magusap-usap. Usapang tungkol sa mga dapat nilang gawin at planuhin.

Nang naroon na ang lahat ay nag-salita na si Claudine.

Naka-school uniform pa ito, ngunit sa loob nh blouse ay may itim na t-shirt. Ngumunguya ito ng bubble gum, at paminsan-minsang pinapalobo.

"Good evening, guys. I am sorry to disturb all of you, but there is something that we need to talk about," paninimula niya.

Ang apat pang naroon ay nakikinig lang.

Medyo madilim ang lugar, at sakto lang sa lagim na pinagpaplanuhan nila.

"Siguraduhin mo lang na worth iyan ng mahalaga kong oras, Claudine," mataray na sabat ni Myra Sy.

Ang mamahaling nitong suot na damit ay kumikintab, dahilan upang ang paligid niya lamang ang kuminang.

Siya ang nag-iisang pamangkin ni Galac Sy. Siya na rin lang ang natitirang kamag-anak ni Mr. Sy na nasa Pilipinas.

"Yes, madame," sagot naman ni Claudine.

"Anong balita kay Stella?" tanong ni Eula.

"Pinatulog ko na... sa ilalim ng lupa," nakakatakot naman na sagot ni Erika.

"Kung gano'n anong pag-uusapan natin?"

Tumayo si Myra at nanigarilyo sa tabi.

Maganda nga ang ksuotam nito, ngunit kasing baho ng usok ng yosi ang ugali niya. Lalo na nang ibuga niya ang usok sa mga kasama.

"Sigurado akong... Stars ang pumapatay sa school natin."

Nasinghot naman ni Myra ang ang usok ng yosi dahilan para maubo siya.

"Ano?!" gulat na tanong ni Drake.

"Is it obvious? Sunod-sunod silang namamatay. At kung hindi tayo kikilos ay papatayin din nila tayo."

Nang-gigil na sabat ni Claudine.

"How is that possible, Claudine? For all I know, those Stars been ashed to hell!" Myra said.

"Oo nga, trip lang ng killer iyon!" sabat naman ni Drake.

Hindi ito makapaniwala na may iilan matitira, dahil nakita niya mismo ang malaking apoy na tumutupok sa eskwalahan noon.

"Totoo po ang sinasabi ni Claudine, Madame, Drake. Sila po ang pumapatay," kalmadong pakikisama ni Eula.

Mahusay itong makisama kaya't napikot niya rin ang ilang mimyembro ng Team.

"Kung gano'n, siguro naman hinakbangan niyo na iyan."

"Yes, madame. Isa si Gem sa nahuli ko." pagmamalaki ni Erika.

Close sila ni Gem at nariyang palihim niyang sinusundan ang isa, kaya't nalaman niya kung saan-saan pumupunta si Gem.

Siya rin ang bumura sa post nitong video nila noon, sapagkat isa siya sa naroon. Maagap niya iyong naagapan bago pa makita ng madaming estudyante, at doon niya nalaman na isa nga si Gem sa mga Stars.

"Isa rin ang boyfriend ko," natatawang kwento ni Claudine. "Ginamit ko lang siya, at tama naman ang kutob ko tungkol sa pag-katao niya."

"Sigurado akong ginamit ka lang din ng lalaking 'yon." Itinaas ni Drake ang kamay niya at parang natatawa.

"Kaya nga inunahan ko na siya."

"Good. How about you, Eula? You're close with the students."

Tumango si Eula at nilabas ang mga papel sa kaniyang bag.

"Ito ang mga profile nila. Nalaman kong sila iyan dahil connected sila sa mga stars na namatay noon, guro man or students. Nakita ko rin ang bagay na 'to sa gamit ni Mae."

Napangiti ang lahat ng makita ang flashdrive na hawak ni Eula.

Isang hakbang pa-abante ang ibig sabihin no'n. Mapatay man nila ang kalahati ng estudyante doon, ang mahalaga mahuhuli nila ang natitirang Stars.

"Mae, Mae, Mae. Kawawa namang naiipit siya ngayon."

"Sinabi mo pa, Erika. Kailangan niyang mamili."

Kinuha ni Drake ang mga papel na inilabas ni Eula. Isa-isa niya iyong binasa at napangiti sa mga pangalan na nakita.

"Gusto niyong makita ang mga traydor na 'to?"

Hindi na sila sumagot bagkus kinuha iyon ni Claudine at tinype sa isang powerpoint.

"Sa mismong foundation day natin 'to ilalabas, kasabay ng pag-huli sa kanila at... pag-eliminate na din."

Kaniya-kaniyang lakas ang itinawa nila, naka-gawa na ata sila ng senaryo sa mga maiitim nilang utak.

"Paano pala si Mae?" tanong ni Eula.

Kahit paano ay naging kaibigan niya si Mae, kaya't makakarinig ng concern sa boses niya.

"Ako nang bahala sa kaniya. Sa oras ng palabas, natitiyak kong wala siyang magagawa."

Lihim na ngumiti si Claudine, sa naiisip na plano sa utak.

"Make sure this time is our real victory. Ayoko nang makarinig ng 'Stars' na buhay na pinauso ng walang kwenta kong tito."

Huling banggit ni Mira bago lumabas ng kwartong iyon.

"I-inform nyo lahat. Lahat ng kasamang nanunog sa school na iyon. Sabihang mag-handa sila at isang panibagong apoy na naman ang sisindihan natin."








A/N

Kapit lang matatapos na rin hehehe.

Stay safe and stay. Godbless!!

Adios!

utak_azure☸

In Loving Memory of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon