34 | Last quarter

60 38 0
                                    

Mae

"D-drake?"

Napangiti si Drake nang bigkasin ni Myra ang pangalan niya.

Hindi ko na alam ang nang-yayari. Kanina lang ay kapanig nila si Drake. Ngayon naman ay nakatutok ang baril nito kay Myra.

"Why are you doing this? I thought you are on my side?!" bulyaw ni Myra.

Unti-unti rin niyang itinaas ang hawak niyang baril.

"Masyado kang maingay, Myra."

Kalmado lamang ang itsura ni Drake. Pangiti-ngiti pa ito, at tila wala lang sa kaniya ang nakatutok na baril.

"Traydor!"

Pinindot ni Myra ang gatilyo ng baril, kaso nga lang ay naunahan sya ni Drake. Nabaril noya ang kamay nito, dahilan upang maiyak sa sakit si Myra, at mabitawan ang baril.

"Bullshit, Drake!" sigaw nito.

"Ibibigay mo lang iyong susi, gusto mo nasasaktan ka pa," natatawang sabi ni Drake.

Lumakad siya sa pwesto ng dalaga, at hinila ang susi sa kamay nito.

"How fucking dare you, Drake?! I swear, I'm gonna kill you!"

Mataman lang na ngumiti si Drake, habang lumalakad patungo sa pwesto ko. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. May half smile ring naka-kabit sa labi nito.

Hindi ko alam kung aatras ba ako o kung tatakbo palayo.

"We're not yet done, Drake!" sigaw ni Myra sa likod.

"Go get Stars. Take care," bulong niya.

Literal na hindi ako makagalaw ng mga ilang segundo.

May iilan talagang taong magulo sa mundo. At ang malas kong nakasama ang ilan sa kanila.

Nang bumalik ang wisyo sa utak ko ay mabilis akong tumakbo papuntang kulungan. Nakatakip pa rin iyon kaya hinila ko na lang ng buong lakas.

Naroon pa rin sila, mga nakahiga.

Bigla akong naawa, dahil sa parang pagod na pagod na sila kaya hindi alintana ang hinihigaan. Pero, nakakahanga din, dahil ang matulog talaga ang ginawa nila kesa ang mag-alala.

"Mae!"

Nilingon ko ang pinanggalingan boses.

Nakahinga na ako ng maluwag nang makita silang tatlo na ligtas.

Patakbong tumakbo si Nikka sa akin at niyakap ako, gano'n din naman ang ginawa ko.

"Sinabihan kami ni Drake na siya na raw ang bahala kay Myra."

Nakakapag-taka talagang ginawa 'yon ni Drake, pero sinong may alam, baka may dahilan siya.

Ngumiti ako sa kanila at itinaas ang susi. Nag-lakihan naman ang mata nila at tumalon sa tuwa.

Lumakad na ako patungong kulungan

Baka may umagaw pa nito kaya bubuksan ko na agad ang kulungan na 'yon.

Pag-bukas ko ay tila naramdaman din nila na may ibang tao, kaya isa-isa silang nagsi-upo.

"Mae, you're alive!"

Hindi na ako nakasagot pa ng yakapin niya ako ng mahigpit.

Napangiti ako. Sobrang saya lang na buhay pa ako, at siyam

Nang umayos siya ng tayo ay yumuko siya, pinantayan ang mukha ko. Doon ko natitigan ang kaniyang mukha.

May mga sugat na siya sa mukha, at ang kaniyang mga mata ay malamlam na. Tila kulang pa ang tulog na ginawa niya.

In Loving Memory of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon