22 | The real Arcturus

67 55 0
                                    

Mae

Bakit siya pa?

Name: Jeff
Section: Arcturus
Position: Class President

Kung gano'n isa siyang Star dati, at nag-transfer lang siya dito?

"Well!" mali ka na naman, Mae"

Pinipigilan ko ang bawat luha na gustong umalpas sa mga mata ko.

Siya pa talaga ha?

Ang saya naman nito! Pinag-katiwalaan ko 'to eh. Shinare ko sa kaniya ang buhay ko, pero isa rin pala siya sa gusto akong mamatay! Isa rin pala siya sa umiisip na isa akong balakid sa buhay niya!

"Traydor kang Jeff ka!"

Isang cellphone ang tumunog sa gilid ko; phone niya.

Sinilip ko ito, at ang gc nila ang nakita ko. 'Orionsss' ang name, at nag-pop up ang mga name na 'yon. Lahat ng nasa chess opponents at sa mga sulat ay malinaw kong nababasa sa screen ng phone niya.

Hindi ko ito inaasahan, ngunit hindi rin pala impossible.

"Sorry natagalan ako."

Sa gulat ko ay hinugot ko ng mabilis ang flash drive sa cpu, at lumapit sa pintuan.

Dapat nang matapos ang kasinungalingan nila. Ang pagiging kriminal nila. Isusumbong ko sila, at dito na matatapos ang lahat ng mga plano nila.

"Saan ka pupunta?" tanong nya, na tila may taka at kaba na rin sa mukha.

Naiinis ako sa kaniya. Naiinis ako na kaya niyang maging inosente, sa kabila nang mga krimen niya.

Naiinis ako sa kaniya na nagawa niyang lokohin ang mga taong may tiwala sa kaniya.

"Ahm– sa cafeteria, may bibilhin lang."

Mag-sasalita pa sana siya, pero agad na akong lumabas. Ayoko nang makarinig pa ng kasinungalingan.

Katapusan na nila 'to.

Arcturus/Jeff

Pag-labas ni Mae ay mabilis kong pinuntahan ang pinanggalingan niyang PC. Ni-restore ko ang kung ano mang ginagawa niya kanina, at nakita ang profile ko.

Fuck shit! Saan niya nakuha 'to?!

Pati ang phone ko, tunog ng tunog!

"Aaarhgghhhhh!"

Sa lahat ng tao, siya pa?!

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Lumabas rin ako para makita kung na saan na siya.

At iyon. Nakita ko siya, tumatakbo sa baba, habang pinapahid ang mga luha sa mukha.

Patuloy ito sa pag-takbo at alam kong alam niya na may tumatawag sa kaniya, pero ayaw niyang pansinin.

Shit! Sagutin mo naman please.

Patuloy lang siya sa lakad takbo, papunta sa room nila Claudine.

"Fuck! Fuck! Fuck! Sagutin mo, Mae."

Maya-maya ay tumigil siya at tinitigan ang phone niya. Tila nag-dadalawang isip pa kung sasagutin niya ba o hindi.

Sagutin mo na, sige na!

"H-hello, Jeff?"

Napapikit ako.

Ang boses niya, sakit na sakit at malungkot.

"N-nasa cafeteria ka ba?" paninigurado ko, kahit pa alam ko na kung anong gagawin niya.

Kahit alam ko na isusuplong niya na ako. Umaasa pa rin ako na mag-sisinungaling siya para lang mapayapa ang loob ko.

In Loving Memory of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon