CHAPTER 2
Pinasabay
Nang kumakain kami hindi nako nagsalita dahil naiirita lang ako sa magiging sagot ni clyde. Hindi ko nalang din tinitignan si Timothy dahil mas lalong nakakabadtrip. Hanggang sa nakauwi na kami ay wala nakong imik.
Nang matapos kung ayusin ang mga basang damit ko ay naisip ko na evideo call ang mga kaibigan ko. At sakto naman na oline si Seah.
Nasa iisang condo lang kami nakatira nila Seah, Ellie and Ianna. Third year high school ay nabuo ang friendship namin at dirin nag tagal ay naisipan namin na mag ipon ng pera para pag mag co-college na kami ay nasa iisang bahay na kami.
when we graduated from high school we bought a condo we had saved. Sa Metro maynila kami bumili ng condo dahil sa Lycium of the philippines university kami nag aral ng college. Sayang nga lang dahil umalis ako doon ngayong third year college na ako.
Tinawagan ko na si seah. At mabilis niya naman itong sinagot.
[Hi!! Zamira musta diyan?] Ianna said.
[Huy Mira! Miss kana namin dito wala nang maingay dito! Umuwi kana ulit dito.] Dinig kung sabi ni Seah.
[Huy seah! Wag kang desisyon diyan! Kahit wala si Mira dito, di mag papatalo yang kadaldalan mo!] Sabi ni Ellie At narinig kung ang asaran at tawanan nila. Kaya pati ako ay nakitawa na.
"Ok lang naman ako dito, imissyou girls!" Sabi ko. "May kuwento ako sainyo!"
[Ano?] Sabay na sabay nilang tanong.
Kinuwento ko sa kanila ang nangyare sa akin nung nag swimming kami.
[Huy! Mira pogi bayang Timothy nayan?] Ianna asked.
Idiniscribe ko sa kanila kung ano ang itsura ni Timothy.
[Ay gago! Huy ampogi naman pala e! Bakit mo sinungitan!] Sigaw ni Seah.
[Oh Mira, for sure yung babae na kasama nung Timothy eh mas maganda ka dun. Edi dapat sinabunutan mo agad.] Sagot naman ni ellie.
[Baliw edi kabago bago ni Mira dun napaaway agad!] Singit ni Ianna.
"Tsaka mga baliw wala naman akong mga pake dun no. Tsaka duh tanga lang papatol sa babaeng ganun." Sabi ko.
[Oh sige ayaw mo dun sa Timothy? Sige akin nalang yun pota pogi naman pala eh!] Sabi ni seah kaya lahat kami ay tumawa.
Matagal tagal din natapos ang kuwentohan namin kaya ng matapos kami ay nakatulog agad ako.
Nagising nalang ako kinabukasan dahil sa ingay ng katok ni joshua.
"Mira, kakain na daw!"sigaw ni joshua galing labas.
"Oo! pababa na!" Sigaw ko pabalik.
Bumangon nako at nag hilamos muna sa cr ko bago bumababa.
nasa lamesa na sila papa ako nalang ang inaantay."Ano bang ginawa niyo kahapon? at napagod ata ng husto kayo, joshua." tanong ni papa kay joshua.
"Nag swimming po kasi kami papa." Sagot ni joshua.
"Oh siya, mamayang nine ay mag enroll na kayo Mira at josh. Ikaw clyde samahan mo sila." sabi ni tita.
Tumango nalang kami. habang kumakain kami pinaguusapan ni tita at mama yung tungkol sa pag pasok namin. sila papa naman pinag uusapan nila ni tito yung about sa lupa na balak ibenta ni papa yung kalahati.
