CHAPTER 5

20 3 0
                                        

CHAPTER 5

Period

Mga 5:30 ay umuwi na sila Timothy at puro asaran lang ang nangyare samin. Mas naging malapit ang loob ko sa kanila.

Sila kasi yung tipong pwede sa asaran at seryosohang usapan.

Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay pumasok nako sa kuwarto ko at natulog nadin agad dahil may pasok pa ako bukas..

Hinatid ulit ako ni joshua sa school kinabukasan kaya naman kahit muntik nakong malate ay nakahabol padin dahil mabilis mag patakbo si joshua. Buti nalang mag kasabay lang kami ni sir pumasok ng room kaya binati ko siya.

Pag pasok ko sa room ay tinanong lang ako ni charles kung bakit ako late sinabi kung medyo natanghali ako ng gising.

Ngayon ay may ginagawa na kami, nag start na ng lesson.
Natapos ang class ko ng 3:30 ngayon dahil P.e ang last sub namin. Nag tricycle ako pauwi.

Day's goes by so fast, bukas ay friday na at bukas na kami gagawa ng activity napag kasunduan naming sa bahay kami nila Timothy gagawa, dahil may farm naman sila at doon nalang daw kami kisa naman mapalayo pa.

Nag P.E kami ngayon kaya naman kinagabihan ay mabilis akong nakatulog dahil sa pagod.

Nag alarm ako ng 9:00 dahil 10:00 ang usapan namin na mag kita-kita. At sinabi ni clyde na dadaanan niya ako dito para sabay nadaw kami.

Kinabukasan ay 9:45 ako nagising kaya naman sobrang nagmamadali akong maligo. Mas lalo ako nag madali ng sinabi ni mama na nag aantay na sa baba si charls.

Kasi naman bat di nag alarm yung cellphone ko?!

Nag short at isang black tshirt ang suot ko. Mainit kaya nag short lang ako.

Bumababa ako ng 10:20 kaya naman ng nakita ako ni charles ay tumingin siya sakin na para bang nag tatanong bat ngayon lang ako. "Hay sa wakas!"  Sambit niya.

"Tanghali na talaga nagigising yan, charls. kaya dapat pag may gagawin kayo yung oras niyo diyan advance dahil malalate lang kayo!" Sabi naman ni clyde.

"Oh talaga? Epal ka." Sagot ko naman.

Tumingin ako kay charles kaya naman. Nag paalam nako kay mama.

"Mama aalis napo ako. May activity kami." Paalam ko.

"May pera ka paba? Dika muna kumain diyan." Sabi ni mama.

Inabutan ako ni mama ng pera. "Thankyou ma, dun nalang po siguro ako kakain malalate na kami eh."

"Late na po talaga kami tita ng 30 minutes!" Sabat ni charles sa likod ko.

"Ay nako pasensya na hijo at natanghali ata yan ng gising." Sabi ni mama.

"Alis na kami Ma!" Paalam ko.

Mabilis na pumasok ako sa front seat. "Tawag na sila ng tawag sakin Mira kung nasaan na daw tayo! Ambagal mo eh!" Nakabusangot na sabi ni charles.

"Sorry na! Tinanghali lang ng gising eh." Sabi ko. Inirapan niya naman ako.

Habang nga dadrive siya ay nag instagram lang ako at nakita ko ang myday ni Seah na nasa bar sila!

Waaaaaahh! Nakakaiingit

Nireplayan ko si seah at sinabi kung nakakainggit.

Kakatingin ko ng myday ay nakita ko ang isang milk tea. nag ca-crave tuloy ako ng milk tea. Feel ko tuloy malapit na period ko. Ganun kasi ako eh pag malapit na mag kaperiod mabilis mag crave.

Don't Say Good ByeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon