CHAPTER 4
CR
"Im clara delos santos!" Pabebe'ng Sabi nung babaeng nakasagutan ko na kasama ni Timothy.
Nang matapos ang lahat sa pagpapakilala ay tumayo si sir.
"Ok, bibigyan ko kayo ng activity. Bukas ay regular class na. Monday niyo ipapasa itong activity na ibibigay ko. Since first day niyo ngayon ay mag go-groupings tayo!" Wika ni sir. "Para hindi tayo mahirapan ay by line nalang ang grouping's ok."
Narinig ko naman ang reklamo ng mga kaklase ko.
"Halaaa sir!"
"Sir gusto kung kagroup sila Dela fuerte!" Pabebe'ng wika ni clara.
"Ms. Delos santos, professor ka? Kakasabi ko lang diba na by line?" Malditang saad ni sir.
My professor is gay.
"Sorry sir." Nahihiyang sabi niya.
Minsan kasi wag kang desisyon, Napapahiya ka tuloy.
sinabi ni sir kung anong activity ang gagawin namin. Business administration kasi ang course namin. Kaya ang sabi ni sir na mag iinterview kami sa may mga farm kung mag kano ang kinikita or ano ang kanilang ginawa para maganda ang kanilang pamamalakad. Pagkatapos ay Inayos na ni sir ang kanyang gamit."Ok, go ahead you can go to your next subject."
Nag sitayuan ang mga kaklase ko kaya naman inayos ko ang aking gamit. Naka civillian lang ako ngayon pwede kasi ngayong week nato mag civillian since first day pa nga lang.
I was wearing a white v-nick t-shirt and skirt below to my knees and white nike shoes.
"Ano! gago ka ah napagalitan ka tuloy." Sabi nung lance kaya gumagalpak sila ng tawanan.
"Ulol ka! Totoo naman na kinakabahan ka katabi mo kasi si Zamira." Sabi nung charles kaya napatingin ako sa kanya.
Bat nadamay nanaman ako diyan.
"Hi!Zamira, ako si charles." Aniya at nakikipag shake hand sakin.
Kaya naman inabot ko ang kamay ko at ngumiti.
Hinampas ni Timothy yung kamay ni charles kaya napabitaw siya. "Asshole, chansing ka lang eh." He whisppered meaningfully And his smirk.
"Gago dude alam kung mahal moko, pero wag kang mag selos di kita ipag papalit." Charles said.
"Yuck gago nalabas naman pag kabakla ni Santiago!" Sigaw nung lance.
Diako makatayo sa kinakaupuan ko dahil sa harap ko sila nag aasaran.
"Huy Santiago wala kaming baklang kaibigan!" Sabi nung Edric na katabi ni Timothy.
May next class pako! Pero andito padin sila nag aasaran sa harapan ko.
"Excuse me, kailan tayo mag uumpisa gumawa ng activity?" Nahihiyang Tanong nung nicole.
"Oh ayan mga tukmol, mag aral kayo!" Sabi ni lance.
"Oo nga pre gago mahiya kayo, kilan tayo gagawa." Sabi naman nung Edric habang nakatingin kay nicole.
"Uy zamira, ano kilan gusto mo?" Tanong ni Charles sakin..
"Depende sainyo." Sabi ko. Sabay tingin sa kanila isa isa at ng mapatingin ako kay Timothy ay nakatingin siya ng seryoso sakin.
Alangan naman ako mag desisyon dito mahirap na baka masabihan pang bida bida.
