28

76 5 0
                                    

Three years later...


Third person:


"Class dismissed!"

Malakas na sigaw ng kanilang prof sa Dynamics of Rigid Bodies na subject.

Nagising naman si Dean dahil sa pagsigaw na iyon kaya napabangon siya ng wala sa oras.

"Tss."

Mahinang singhal niya at mahinang tumayo na nakastretch pa yung braso.

Tumayo na lamang siya at ipinasa sa harap ang tapos na niyang plates.

"Grabe si sir noh?"

"Oo nga eh. Last day na pero nagklaklase parin."

"Tibay talaga buti nalang gwapo siya."

"Oo nga eh hihihi nakakagana lan-ay si Dean papalapit!"

"Ayiiieee. Isa rin siya sa inspiration ko eh."

Napailing nalang si Dean sa narinig niya at isinalpak sa tenga ang air pods niya.

Tsk ingay.

Lumapit siya sa pinto kung nasaan nagkukumpulan yung mga babaeng nagbubulungan. Kung bulungan nga ba.

Agad namang nanlaki ang mata ng mga ito at parang sinisilihan sa pwet dahil sa kilig.

Dean only stared hard at them. But they didn't budge.

"Move."

May sinasabi pa ang mga ito pero hindi na niya marinig dahil sa lakas ng music niya.

Agad silang napagilid at kinikilig na tiningnan lamang ang papalayong bulto ng binata.

Third year college na si Dean sa kursong BSCE-Bachelor of Science in Civil Engineering sa Sange Regal University, yes, may University ang Sange Regal at malapit lang ito sa Academy nito kung saan siya huling nag-aral.

Napahinto siya nung nawala ang kantang pinapakinggan.

May tumatawag, si Chance. Tss.

"...."

"Grabe tol, gandang pambungad niyan! Hahahaha."

"What do you want?"

"Halika tol! Nasa cafeteria kami ng engineering department hihihi."

"Ge."

Agad niyang pinatay ang tawag nung akmang sasagot pa si Chance. Habang tumatanda, mas lalong bumabata ang isip. Psh.

"Tol dito!"

Pagkapasok niya ng cafeteria ay agad umagaw sa pansin ng nakararami ang sumigaw na lalaki. Agad niyang pinanlisikan ng mata si Chance kaya agad itong tumahimik at napapeace sign na lamang.

"Hehehe. Halika tol, nag order na kami."

Blangkong tiningnan niya lamang ang nagmimistulang fiesta sa kanilang mesa at napangiwi.

"Para samin ba yan, o para sayo lang?"

Tumawa naman si Marvin sa sinabi ni Dean at napatikhim nalang si Chance. Tahimik lang sa gilid si Luke habang nagtetext.

Napabuntong hininga nalang si Dean at umupo sa katabing upuan ni Luke. Napaangat ito mula sa pagtetext at tinanguan si Dean.

"Oy tol! Nandito ka na."

Affair with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon