38

72 4 0
                                    

Third Person:


"Are you really sure with this?"


Tanong ni Marvin sa kanilang dalawa habang nagsimula na siyang mamawis sa tensyon na nadarama.


Kasalukuyang nasa silid ni Marvin silang tatlo.


"Oo, kaya ipasok mo na."


Napakaseryosong sagot naman ni Dean sakanya. Si Sorti ay naguguluhang nakaupo lamang at nakatitig sa ginagawa ng dalawa, naiinip na siya.


"Teka-tol potek! Sure ka na ba talaga?"


"Nakng. Oo nga kaya ipasok mo na."


"Do you really want to see this?"


Tanong ni Marvin sa dalawa saka hinawakan iyon at pinakita sa kanila.


"Really? Are we still going to fight about this? Insert it already!"


Madiing utos sa kanila ni Sorti. Kanina pa siya nayayamot dahil wala naman siyang masyadong maintindihan sa dalawa.


"Eto na. Eto na. Sure na kayo ah?"


"Oo nga!"


Dahil sa sigaw ni Dean ay nabigla si Marvin at dali-daling isinalpak ang hard drive sa USB port ng laptop.


"I warned you already. You're not going to like it."


Seryosong sabi ni Marvin at pinindot ang nag-iisang file doon.


Tahimik lang silang nanonood hanggang sa dumating ang puntong nagwala na sina Dean at Sorti sa galit.


Nakita nila sa screen ang kawalanghiyaang ginawa nung lalaki kay Sorina!


Galit na galit na itinapon ni Sorti ang laptop ni Marvin habang si Dean mahigpit na nakakuyom ang kamao.


"Potek! Ang laptop ko!"


Dali-daling tumakbo si Marvin at inalo na parang namatay ang kanyang laptop.


"Arghh! I'm going to kill that bastard!"


Galit na sigaw ni Sorti. Nakatulala lamang si Dean. No words can describe how livid he feels right now.

Affair with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon